JORDAN NAGISING ako dahil sa bahagyang pagkirot ng aking sintido. Nasapo ko ang aking ulo at mahinang napaungol dahil sa sakit. Marahan kong idinilat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang hindi pamilyar na kisame. Pilit kong inalala ang mga huling nangyari bago ako nawalan ng malay. Ang tanging natatandaan ko ay lamang may ilang lalaki ang lumapit sa akin sa lobby ng hotel kung saan kami dapat magkikita ni Thanos. Nang manumbalik sa aking alaala ang lahat ay biglang gumapang ang kaba sa aking dibdib. Napabalikwas ako nang bangon at mabilis na iginala ang aking paningin sa paligid. Inihanda ko ang aking sarili sa kung anumang panganib ang maaaring bumulaga sa akin. Saglit akong nagkaroon ng oras upang pagmasdan ang kabuuan ng kuwarto. Hindi iyon mukhang kulungan. Bagkus, napapalibut

