JORDAN KANINA pa tahimik si Thanos sa aking tabi habang kami ay naghahapunan. Panaka-naka akong sumasagot sa mga tanong ni Ali. She seems like a caring woman and I can't help but admire her. Naisip ko tuloy na sana ay magkaroon din ako ng kaibigang katulad ni Ali. Bagama't tahimik lamang si Thanos sa aking tabi habang umiinom ng alak ay hindi pa rin nito napigilan ang kaniyang kamay na kanina pa humahaplos sa aking baywang. Kung hindi naman sa baywang, kung minsan ay dumadako ang kaniyang kamay sa aking hita. Pilit kong inignora ang kakaibang kiliti na dulot ng kaniyang mga haplos. Ngunit hindi ko pa rin maiwasang maramdaman ang init na unti-unting bumabalot sa aking katawan. The whole dinner has become agonizing but exciting at the same time. Laking pasalamat ko na lamang at hindi na

