ALEX ANG INAASAHAN kong pag-uusap sa pagitan namin ni Klaus ay hindi nangyari. Isang linggo na ang nakalipas simula nang huli ko itong makita. Gumaling na't lahat ang paa ko ay hindi ko pa rin nakikita ni anino n'ya. Sinubukan kong kunin ang numero niya mula sa kaniyang sektarya. Ibinigay naman niya iyon agad sa akin ngunit hindi ko alam kung sadya pa niyang iniiwasan ang mga tawag ko. Sa tuwing susubukan ko kasing tawagan ang numerong ibinigay ng kaniyang sekretarya ay nagri-ring lamang iyon at pagkatapos ng ilang minuto ay mamamatay na ang tawag. Ilang araw ang lumipas ay napagod na rin akong subukang kausapin ito. Kaya't hinayaan ko na lamang itong pumunta sa akin kung sakaling handa na itong makipag-usap. He knows where to find me. Gusto n'ya talaga ay madali lamang para sa kaniya an