JORDAN HANGGANG ngayon ay hindi ko pa rin magawang intindihin ang tumatakbo sa isip ni Klaus. Limang taon na rin kaming magkaibigan ngunit may mga pagkakataon pa ring hindi ko maintindihan ang mga plano niya. Nakilala ko noon si Klaus sa bagong gawang tulay sa Mandaluyong. Kakagaling ko lamang sa party ng aking kaibigan nang magpasya akong maglakad-lakad upang magpahangin bago umuwi. Doon ko ito nakita na akmang tatalon sa tulay habang lango sa alak. I tried to stop him but he was persistent to end his life that night. Tandang-tanda ko pa noon mga salitang binitiwan niya habang nakatayo sa railings ng tulay. He looks devasted and was about to give up. Walang buhay ang kaniyang mukha at namumugto ang kaniyang mga mata. “Binigay ko ang lahat sa kaniya. I've done everything I can just to