JORDAN “MA'AM JORDAN!“ gulat na gulat na turan ng guwardiya nang makita niya akong bumaba ng taxi. “Is mom and dad inside?“ tanong ko rito. “O-Opo, ma'am. Kanina pa po nagkakagulo sa loob. Hinahanap po kayo,” natatarantang tugon nito. Napabuga ako nang malakas na hangin matapos kong marinig iyon. Knowing my parents, they definitely flip the whole city just to find me. I couldn't blame them. But the same time, I couldn't blame myself for doing that spontaneous decision of running away just for one night. I wanted to breath and live a life even just for a night. Isang bagay na ni minsan ay hindi ko naranasan sa tanang buhay ko. Akmang iraradyo ng guwardiya ang tungkol sa aking pagdating kaya't maagap ko itong pinigalan. “Don't tell them. I'll go straight to them.“ Nakuha naman iyon ag

