ALEXIS MAY narinig akong lagaslas ng tubig mula sa masukal na gubat kaya't hindi ko napigilang sundan iyon upang malaman kung saan iyon nanggagaling. Hindi ko kasi nagawang makapaglangoy kahapon sa ilog na una naming pinuntahan dahil na rin sa hindi inaasahang nangyari. Hindi man ako maliligo ngayon ay tila bigla kong naisipang ibabad ang aking paa sa malamig na tubig. Binaybaybay ko ang kahabaan nang masukal na gubat upang sundan ang pinaggagalingan ng tunog. Natatanaw ko na ang talon kung saan nagmumula ang tubig ngunit hindi ko matukoy kung nasaan ang dulo noon. Dahil sa labis na kagustuhan kong matunton iyon ay nagpatuloy ako sa paglalakad. Tila nawala naman ang pagod ko sa paglalakad nang tuluyan kong marating ang dulo nang talon. Hindi ito kasing ganda nang una naming pinuntahan n