Chapter 64

1376 Words

ALEX HALOS takbuhin ko ang elevator matapos kong lumabas ng aking opisina. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang pagtayo ni Gentle, marahil upang tanungin ako kung saan ako pupunta, ngunit hindi ko ito pinansin. Ang tanging nais ko lamang sa mga oras na iyon ay ang makaalis at makalayo sa lugar na iyon. “Alexis!“ narinig kong tawag ni Klaus mula sa aking likuran. Hindi ko iyon pinansin bagkus ay mas lalo ko pang binilisan ang aking lakad upang hindi nya ako maabutan. Mariin kong pinindot ang buton ng elevator. Laking pasalamat ko nang agad na naman iyong bumukas. Dali-dali akong pumasok sa loob at mabilis na isinara ang pinto. Ngunit sa kasamaang palad ay maagap na naiharang ni Klaus ang kaniyang kamay dahilan upang hindi tuluyang sumara ang pinto ng elevator. Matapos muling bumukas

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD