KLAUS KANINA pa mainit ang aking ulo. Matalim ang aking mga titig sa nakasaradong pinto na nagkokonekta sa opisina ko at ni Alexis. Noong nakaraan ay hindi ko nagawang matingnan ang kalagayan nito nang maospital ito. Kaya naman nais ko sanang kumustahin ito ngayong araw na bumalik na ito sa trabaho ngunit ang malaking aparador na nakaharang sa pinto ang sumalubong sa akin. And before I knew, I let my anger get the best of me. Ibunton ko sa kaniya ang inis na naipon simula pa noong nakaraang linggo. “Oh, bakit sambakol na naman 'yang mukha mo? Daig mo pa nakikipaggiyera,” bungad ni Jordan sa akin nang pumasok ito sa aking opisina. “Pumasok na ako kasi kanina pa ako kumakatok pero wala namang sumasagot.“ Marahil dulot nang malalim kong pag-iisip kaya't hindi ko narinig ang kaniyang pagkat