JORDAN ILANG araw ang mabilis na lumipas. Naging abala si Klaus sa kaniyang trabaho kaya hindi na kami madalas na nakakapagusap. Naging abala rin ako sa bahay dahil napapadalas ang pagdalaw ni Enrico sa akin. Wala akong ibang pagpipilian kung 'di ang harapin ito. Mabait naman ito at magalang sa bawat pagkakataong bumibisita ito. Iyon nga lang, sadyang hindi maitatago ang pagiging conceited nito. Wala yata kaming ibang pinagkuwentuhan kung 'di ang tungkol sa kung gaano siya kagaling pagdating sa pagpapatakbo ng operasyon ng kanilang negosyo at kung paanong mas magiging malago ang mga operasyon nila kung matutuloy ang pagpapakasal namin. It takes me a lot of patience and self-control in order to stop myself from rolling my eyes at him everytime he mentions anything about the wedding. Gus

