JORDAN NAUNANG lumabas si Thanos ng banyo. Habang ako naman ay saglit na nagpaiwan sa loob upang mas maayos na makapagbanlaw ng aking katawan. Nang matapos ako ay agad kong inabot ang tuwalyang nasa may labas ng shower. Tinuyo ko ang aking katawan bago isinuot ang bathrobe na naroon. May nakita rin akong blower doon kaya't naisipan kong tuyuin muna ang aking buhok bago lumabas. Halos ilang minuto rin ang tinagal ko bago ako natapos sa pag-aayos ng aking sarili. Nang makalabas ako ng banyo, bahagya pa akong nagulat nang maabutan ko ang sandamakmak na pagkaing nakahanda sa gitna ng kuwarto. May isang malaking lamesa ang naroon na puno ng iba't ibang pagkain. “What's this? May fiesta?“ tanong ko. Kasalukuyang nakaharap si Thanos sa kaniyang laptop at tila abala sa kaniyang ginagawa. Labi

