JORDAN “DO I have a choice?“ sarkastikong turan ko. Ngumisi lamang ito saka inabot ang bote ng tequila mula sa lamesa at nagsalin sa shot glass. Matapos iyon ay muli itong umayos nang pagkakaupo at sumandal sa mahabang upuan. “Ladies first,” wika nito. Tumaas ang aking isang kilay saka sandali itong tinitigan. I was thinking about what my first question will be. I wanted it to be something that he might find hard to answer. Maya-maya pa nga naisip ko na ang aking magiging tanong. “My first question will be…what's your real name?“ “Huh, clever,” naiiling nitong turan habang nakangiti. It wasn't a hard question. That's why I wasn't expecting him to make a pass. Inabot nito ang isang hiwa ng lemon pati na rin ang bote ng asin na naroon. Napataas ang aking isang kilay sa sumunod niyang