JORDAN NANGINGINIG ang aking tuhod dahil sa kaba. Kasalukuyan kaming nasa hotel ngayon upang i-announce ang aming engagement ni Klaus. Ito ang tanging paraan na kaniyang naiisip upang pigilan ang plano ng aking ama na ituloy akong ipakasal sa isa sa mga lider ng sindikatong kakampi ng kanilang organisasyon. I know Klaus is a good man. Ngunit kinakain ako ng aking konsensya lalo na't alam kong may ibang laman ang puso ni Klaus. Hindi ko maatim na idamay ito sa problema ko dahil lamang pakiramdam niya ay utang niya sa akin ang buhay n'ya. “Are you ready?“ tanong ni Klaus nang pumasok ito sa backstage kung saan ako naghihintay na tawagin kaming dalawa. “Do you look okay. Are you sick?“ “Are you sure about this, Klaus? Nakahanda ka na ba sa magiging reaksyon at mararamdam ni Alexis kapag

