JORDAN TALAGA nga namang kamangha-mangha ang tanawin mula sa deck ng yacht. Hindi gaanong mainit kaya't hindi pa masakit sa balat ang tama ng sikat ng araw. “I should have brought some bikinis with me,” bungad kong turan nang madatnan namin si Sancho at Ali sa deck habang abalang inaayos ang mga pagkain. “That wouldn't be a problem. I have an extra pair inside. Don't worry. It's brand new. I haven't wear it,” tugon ni Ali. “Oh, thank you.“ I was a little bit surprise on how prepared she was. “Come on, let's eat!“ masiglang aya ni Ali. Unang tingin pa lamang sa masasarap na pagkaing nakahain sa ibabaw ng mesa ay parang nabusog na akong bigla. They look fresh and delicious. Umupo kami ni Thanos sa magkatabing upuan habang nasa katapat naman namin si Sancho at Ali. Kapansin-pansin ang

