Chapter 109

1383 Words

JORDAN WALA akong ideya kung anong ginamit ni Klaus na dahilan sa aking ama at napapayag niya itong umalis ako nang walang kasamang bodyguard. Nang ibalita sa akin iyon ni Klaus ay nag-atubili akong tawagan si Thanos upang ipaalam dito kung kailan at saan kami magkikita. Pinindot ko ang kaniyang numero sa aking cellphone upang tawagan ito. Nakakadalawang ring pa lamang ito nang sagutin iyon ni Thanos. “Miss me, baby?“ bungad nito sa akin. “Not a chance,” mataray kong tugon dito. “Ouch!“ eksaheradong saad nito. Napairap na lamang ako sa hangin dahil sa pagiging OA ng lalaking ito. “Anyway, napatawag ako para sabihin sa 'yo that everything is settled. Magkita na lang tayo sa lugar na ite-text ko sa 'yo,” wika ko. “How are you going to get there?“ tanong niya. “You don't need to wor

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD