JORDAN TILA ba napaso ako dahil sa kaniyang mga yakap. Natataranta ko itong itinulak saka agad na nilagyan ng distansya ang aming pagitan. Tumaas ang isang kilay nito at ngumisi habang nakatingin sa akin. “Don't tell me you already change your mind?“ tanong nito. “I-I don't. G-Gusto ko lang mag-freshen up. Can I?“ pagdadahilan ko. Halos pigil ko ang aking hininga habang hinihintay ang kaniyang sagot. “Of course you can,” kumpiyansang tugon nito. “It's not like you have a way here to sneak out,” nakangising turan nito habang patingin-tingin sa paligid ng banyo. Bago pa ito tuluyang lumabas ng bathroom ay bumaling itong muli at nagsalita. “And even if you tried to sneak out using the main door, we both know that you'll never get a chance to get pass me.“ Naiwan akong nakatulala sa sarad