Chapter 63 VANESSA'S POV Isang matamis na lamang na ngiti ang gumuhit sa aking labi na nilagay sa lamesa ang huling pag kain na niluto ko. Masayang-masaya akong pinag mamasdan sa lamesa ang mga pag kain na aking hinanda kagaya ng kanin, pork chop, itlog, chicken pastel at may tinimplang gatas at kape para sa aming dalawa ni Lucas. Naka set-up na rin lahat sa lamesa kagaya nang pinggan, kubyertos at baso na kailangan na lamang namin ang maupo at kumain. Sinadya ko talagang gumising ng maaga para ipag handa ng almusal si Lucas. Simula no'ng dumating kami sa resthouse, siya ang naka toka sa pag luluto at araw-araw ako nitong pinag lulutuan ng masasarap at iba't-ibang mga putahe na mga pagkain kaya't naisip kong bumawi sakanya sa simpleng paraan lamang kagaya nang pag hahanda ng simple lam