CHAPTER 61 VANESSA'S POV "Magandang umaga po Mam Vanessa," "Magandang umaga Mam," Iilan lamang iyan sa mga bati sa akin ng mga trabahador na nakaka-salubong namin sa daan. Ang ilan pa sakanila humihinto sa kanilang ginagawa para lamang batiin at ngumiti ng kay tamis sa akin. Ang iba sa kanila kasundo at kakilala ko na dahil lamang madalas kami ni Lucas namamalagi dito sa manggahan para asikasuhin lamang ang negosyo nito. "Magandang araw rin ho sainyo," sukli ko na lang na pag bati at mag kasabay kami ni Manang Bebang nag lalakad, pareho namin hawak ang katamtaman lamang na basket gawa sa abacca laman lamang ng mangga na aming napitas kani-kanina lamang. Alas dos pasado na nang hapon, kahit tirik na tirik man ang sikat ng araw, hindi gaanong direkta na pumapaso sa balat ko dahil na r