CHAPTER 77 VANESSA'S POV Nagising na lamang ako sa lamig na nag mumula sa aircon na nag papanuot sa aking balat. Nag pakawala na lamang ako ng mahinang unggol at pikit-mata pa rin ang mga mata ko, antok na antok na sinisiksik pa lalo ang katawan ko sa mainit niyang katawan na kaagad din niya naman akong niyakap at kinulong sa kanyang bisig na maka ramdam ako ng sarap at init ng damdamin sa simple nitong ginawa. Minulat ko ang mga mata ko at sakto naman bumunggad sa akin ang guwapo at mahimbing na natutulog na si Lucas sa aking tabi. Naka tagilid na akong naka higa sa kama at mistula akong naka unan sa malapad na dibdib ng binata at ang kanyang kamay naman naka yakap sa akin. Tila ba dinala ang pakiramdam ko sa alapaap at napaka gaan ng aking nararamdaman na ngayo'y mag katabi at dikit n