CHAPTER 65 VANESSA'S POV Hindi ko na namalayan na patuloy lamang bumabagsak ang luha sa mga mata ko sa tagpong nadatnan ko na mag kalapat ang kanilang mga labi. Sobrang dikit ng mga katawan nilang dalawa at ang misteryosong babae, naka pikit na ng mata nito ninamnam ang bawat sandali samantala naman si Lucas naka mulat ng mata at walang kuru-reaksyon ang man lang ang mukha nito. Sa tagpong nadatnan ko, hindi ko na magawang ikilos ang katawan ko. Pakiramdaman ko pinag bagsakan ako ng langit at lupa ng sandaling napaka bigat ng aking dibdib na kusang umaagos na lamang ang luha sa mata ko, na hindi inaalis ang mata sa kanilang dalawa. Gusto kong umalis. Gusto kong tumakbo palayo para sa ganun, hindi na ako masaktan ng ganito subalit sinisigaw naman ng utak kong hindi umalis at panuorin