Chapter 75 LUCAS POV Itinigil ni Lucas ang kanyang itim na Mercedes Benz sa tapat ng isang malaking building at kaagad niya nakita ang dalawang sasakyan na naka parada sa parking lot, na kina-iling niya na lang nang ulo na makita na may nauna na pala sakanya. Lumabas na si Lucas sa sasakyan at inapak niya ang itim at mamahalin na sapatos sa sementadong sahig at inayos niya ang kanyang dark blue na necktie. Napaka anggas ng kanyang tindig at prostura na pag kakatayo na suot ang white longsleeve at pares ng dark blue pants. Naka poker face lamang ang mukha ni Lucas na kahit sino mag aalangan na batiin o kaya naman lapitan siya sa masungit na mukha nito. Dire-diretso lamang si Lucas na nag lalakad at taas-noo pa. Madali siyang naka pasok sa loob ng naturang establisment dahil may access