08

2218 Words
Chapter 08 Kinuwento ko kay Phinea noong 8 years old ako nag-move out ate ko at the age of 18. "Ayaw ni ate kuhanin ang company ni dad at magnamanage ng business ng mga Difabio. Nakipagtanan siya sa boyfriend niya at hindi nagpakita sa amin ng ilang taon. She hate the idea na magmanage ng business. Mom told me na huwag ako gagaya kay ate na walang pinatunguhan ang buhay." "Nabuntis ang ate ko ng 20, may isang anak at iniwan siya ng husband niya. Noong nag-18 masyado ako naging affected sa pagbalik ni ate at gulo ng pamilya ko. Im totally in lost at hindi ko alam ang gagawin ko. Noong bata ako gusto ko maging katulad ni ate— she know everything at noong bata pa lang siya may isa na siyang path na dinadaanan. Gusto niya maging doctor pero noong nangyari iyon kay ate hindi ko na alam. Natakot ako. " Namulat ako ng si ate ang sinusunod at tinitingala ko. Para akong isang baby duckling na mawawala kung hindi nakasunod sa nanay. "Then habang nagkakagulo sila sa mansion nakarating ako sa ilalim ng tulay may babae doon na nakatambay— nakasuot siya ng maskara at kumakanta." Tumawa ako and umayos ng upo. Nilingon ko si Phinea na hindi inaalis ang tingin sa akin. "Sinabi niya sa akin na bagay ako maging artista. Meron ako sariling boses at gwapo ako," ani ko at tinuro ang mukha ko. Napakurap si Phinea tapos umiwas ng tingin. "Hey! How cold hindi ko alam kung nag-agree ka or talagang dinedma mo sinabi ko," natatawa na sambit ko at pabiro na dinutdot ang pisngi ni Phinea. "Na... Naniniwala din ako na... Na para sa iyo ang pag-aartista." Napatigil ako noong marinig ko iyon. Nang-aasar na sinilip ko siya at ngumiti. "Paano mo naman nasabi?" tanong ko at hinahabol ang tingin niya. Nakayuko ngayon si Phinea and noong tiningnan niya ako sinabi niya na sobra akong pretty. "Para kang araw." Napatigil ako noong marinig ko iyon at napaayos ng upu. Natakpan ko ang bibig ko at umiwas ng tingin. Bigla na lang nagskip ang paghinga ko dahil sa titig ni Phinea tapos bigla ito bumanat ng ganoon. "Pwede ba kung babanat ka ng mga sweet word warning me first para naman makapagready ako." "Pwede.. Pwede ba ako kumuha ng picture dito?" Napalingon ako kay Phinea na nakatingin sa picture book. Napakamot ako sa ulo at humiga sa ibabaw ng kama. "Its fine. Ikaw bahala." Noong tinawag kami ni ate para kumain ng dinner mula sa labas ng kwarto. Nakita ko siya nilusot iyong album doon sa bag niya— noong lumingon siya sa side ko agad ako na tumagilid at todo pigil ng tawa. Akala ko isang picture lang hinihingi niya hindi ko akalain na buong album kukuhanin niya. Ang cute ni Phinea what the f*ck. Sabay na kami bumaba ni Phinea at napangiwi ako noong madami ako nakita na pagkain sa lamesa. "Mom hindi ba sobra ito inihanda ko?" tanong ko. Sinabi ni mom na hindi iyon sobra. "Kung sinabi mo ng mas maaga na pupunta kayo dito nakapamili pa sana ako tapos mas madami pa ako naluto," ani ni mom na ngayon ang hawak ang pisngi at puno ng dissapointment ang expression. Napangiwi na lang ako at kumuha ng plato para kay Phinea. "Mom, kaunti lang kumain si Phinea." Naramdaman ko bahagya pagpisil ni Phinea sa hita ko dahilan para mapatingin ako kay Phinea. "Honey, saan ka humahawak? Nasa harapan tayo nina mom. Mamaya na okay?" Agad na namula ang dalawang tenga ni Phinea at binawi ang kamay. "Shameless," banat ni ate na may subo na kutsara at nakatingin sa amin dalawa ni Phinea. "Inggit ka lang ate." Nilagyan ko ng pagkain sa plato si Phinea at nagsalin na din ng tubig para sa kaniya. "Anyway, hindi ko maiwasan macurious Victor. Nagquit ka na ba sa work mo?" tanong ni ate. Sumagot ako ng no. "May pinaghahandaan ako audition para sa ngayon month. Iyong ibang commercial naka-schedule din next week," ani ko at nagsalin na din ng pagkain sa plato ko. "Nakita ko manager mo noong may mineet ako at kasama niya iyong boyfriend ni Peregrine. Is it okay?" tanong ni ate. Nagkibit-balikat ako sinabi ko na its fine. "Inalis ko na siya sa trabaho at naghahanap na ako ng new manager," sagot ko. Naramdaman ko ang tingin ng lahat sa akin kaya napatingin din ako kina ate. "What?" "Are you out of mind? Paano ka gagalaw ngayon ng walang manager?" tanong ni ate na nanlalaki ang mata. Flat ko sinabi na naghahanap na ako. After namin magdinner at nagpaalam sandali si Phinea para bumalik sa kwarto. Nakasunod ang tingin ko kay Phinea na na naglalakad pataas ng hagdan. Nawala lang atensyon ko kay Phinea noong nilapitan ako ni ate. "Mag-usap tayo," ani ni ate. Humarap ako sa kaniya at sinundan ko siya noong naglakad siya patungo sa garden. "Masyado ako nawiwierdugan sa kinikilos mo," ani ni ate. Sumandal ako sa bato sa gilid ng fountain at pinako ang tingin kay ate. "What do you mean?" tanong ko. Nakakunot ang noo ni ate sinabi na kung nag-decide ako magbago napakaimposible magbago ako ng 180 degrees. "Parang kahapon lang nagmamakaawa ka sa akin umuwi at pigilan ang kasal niyo ni Phinea. Out of the blue inalis mi sa trabaho ang manager mo at kanina sinabi mo na isang drama project lang tatanggapin mo sa isang buwan at ilang commercial. You supposed to be a damn work alcoholic. So? Ano nangyari?" tanong ni ate. "Napagod ka na ba kahahabol ng oras at sumuko ka na patayin sarili mo sa pagtatrabaho at iaim ang pagiging best actor award?" Umiwas ako ng tingin sinabi ko na ini-aim ko pa din ang best actor award. "Ang tanging nagbago lang is itong schedule, manager ko at pinipriority ko." Pauwi na kami ngayon ni Phinea sa mansion ng mga Lawson. Medyo mahaba ang traffic kaya naman sandali ko hininto ang sasakyan at lumingon sa passenger seat. Nakita ko si Phinea na may yakap na stuff toy na laruan ko noong bata pa ako na binigay ko sa kaniya. Mahimbing ang tulog ni Phinea. Inangat ko ang kamay ko para hawakan ang pisngi ni Phinea ngunit agad ko din iyon binawi dahil baka magulat na naman si Phinea at matakot. 'You like Phinea?' Tinitigan ko mabuti si Phinea at naalala tanong ni ate Catherine. Bahagya ko itinikom ang labi ko at humilig sa manubela. Pinako ang tingin kay Phinea na parang bata na natutulog at nakahilig sa sandalan ng upuan. Hindi ko naisip iyon. Hindi ako sure sa exactly na feelings ko towards Phinea— but atleast alam ko pakiramdam kapag nawala si Phinea. Alam ko din sa sarili ko na hindi ko nakikita ang sarili ko ng hindi kasama si Phinea at hindi ito nakikita. Mabilis lumipas ang mga araw hanggang sa dumating ang audition. Dahil sobra din ang naging budget may mga kilala din na artist ang dumating at nag-audition. Nanatili lang ako nakaupo sa ilabas ng audition room at pinaglalaruan ang bracelet na binigay sa akin ni Phinea. "Ano problema ng writer na iyon? Ilang linggo din ako nagpractice line na iyon." "Sa dalawang male lead character talaga sila masyado mahigpit lalo na iyong writer ng script." Napatingin ako sa dalawang tao lumabas ng audition room. Mukhang desidido talaga si Quen hanapin iyong tao na magpifit sa male lead ng drama project. Maya-maya dumating si Everen kasama manager nito. Napatigil si Everen noong makita ako. Ngumiti ako at binati siya. "Seryoso ako mr Difabio. Kukunin ko ang role bilang male lead." Sumagot lang ako ng go on. Mukhang naoffend siya sa sinabi ko kaya tumawa na lang ako. May lumabas na staff at sabay kami ni Everen pinapapasok sa audition room. "Magi-start ang audition pagkabukas niyo ng pinto," ani ng staff. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa bench at naglakad palapit kay Everen. "What is that mean?" tanong ni Everen. Sinabi ko na maga-act na kami ng character namin. Pagkabukas pa lang ng pinto. Lumingon sa akin si Everen. Ngumiti lang ako ng matamis tapos hinawakan ko ang doorknob mula sa likod niya at binuksan iyon. Pareho kami napatingin sa mga tao na nasa loob ng audition room. "Mauna ka na pumasok," natatawa na sambit ko at nagulat si Everen doon. Nakita ko napaayos ng upo si Quen noong makita kami na dalawa. Tumikhim si Everen at naglakad na papasok sa loob ng audition room. "Kung balak mo mag-act with me— can you inform me first?" tanong ni Everen at mahinang hinampas ang balikat ko ng hawak niya na script. Nagkibit-balikat ako at tinanong kung sasabihin ko iyon sa labas ng audition room papayag ito. "No, hindi tayo close. Why would i?" Sinabi nito na pareho namin ini-aim ang male lead. Bakit siya maga-act with me? "Perfect." Napatingin kami ni Everen sa table noong bigla tumayo si Quen at natutuwa na nakatingin sa amin dalawa ni Everen. May mga tao sa kabilang side ng audition room ang hindi naintindihan kung ano nangyari dito sa unahan. Nakapasa kami sa first stage ng audition sa ganoong scenario at line. How? Everen act as Jude Trinidad who was ordinary police officer at nag-act naman ako na si Arson Jael childhood friend of Jude who was a debt collector. Sabi ng staff pagbukas namin ng pinto mag-act na kami ng character na gusto namin iportray. Naout of guard si Everen pagbukas ko ng pinto at noong nagstart ako mag-act agad niya nabasa ang sitwasyon at nag-act ito na si Jude. Sa story may isang tao na dapat iligtas si Jude at nagkataon na ang tao is dapat paghihigantihan ni Arson. Nagmeet sila sa isang raid at isa si Arson sa nahuli pero dahil lumalabas na napadaan nga lang doon si Arson pinalaya din ito. Nagsearch ako sa internet at nalaman ko madami viewers ang siniship si Arson at Jude— nagkibit-balikat ako. Need ko mag-stick sa character ni Arson at baguhin ng kaunti ang mood sa pagitan namin ni Everen para mamaintain character ko. — Napabuga na lang nga hangin si Everen. Ini-aim niya ang character ni Arson pero noong nakita niya paano mag-act si Victor— narealize niya kung gaano kalaki ang gap nilang dalawa ni Victor. Noong makapasok sila sa room na iyon at nagsimula si Victor mag-act bilang Arson medyo napaout of guard siya. Pakiramdam niya lumabas si Arson mula sa book at naging si Victor. Dahil si Victor at Everen napiling si Arson at Jude kinabukasan ay kinontak ulit sila para sa final audition. Dito pipili na sila ng line na iaact sa harap ng producer kasama ang director. During audition na may mga tao talaga pinanganak para mag-act. Hindi niya maiwasa ma-amaze sa acting ni Everen. Wala siya sa level ni Everen kung wala siya experience noong past life niya at memories. "Nababaliw ka na," bulong ni Everen habang nakaluhod at nakatungkod ang dalawang braso sa sahig. "Bakit kailangan mo humantong sa ganitong sitwasyon para lang sa paghihiganti mo! Bakit Arson! Bakit!" Umiiyak si Everen at tinanong si Arson bakit hindi pa ito tumigil. Noong nabasa ni Victor ng unang beses ang story naaawa siya kay Jude. He totally drag himself to the abyss para lang kay Arson. Gusto niya ibalik sa tamang landas si Arson ngunit palagi siya nabibigo. Masyado nalasing si Arson sa paghihiganti at sobrang galit. Nabulag ito ng sobra sa emosyon at hindi na nakikita si Jude. Iyon ang pagkakaintindi niya noong nabasa ang novel but noong nagdecide siya mag-act as Arson— nagbago iyon. Tumayo na si Victor noong tawagin siya ng staff at pinapunta sa unahan. Nakatayo pa din doon si Everen na ngayon ay nakatingin kay Victor na tumigil sa side ni Everen. Nakayuko siya tiningnan ni Victor at bahagya tumingala. "Hello Jude." Nagtaraasan ang balahibo ni Everen sa batok noong tingnan siya ni Victor at batiin siya nito as Arson. Sa dalawang line lang na iyon ni Victor as Arson naoverwhelm na siya at nadala sa character nito. "Nandito ka ba para hulihin ako? Mr officer?" Natatawa na sambit ni Victor at humarap kay Everen. Nakapamulsahan ito humakbang palapit kay Everen and pumunta sa likod nito. "If alam mo naman pala ang reason bakit ako nandito bakit hindi ka pa umalis? Kahit gaano pa kababa ang rank ko police pa din ako at criminal ka." Tumigil si Victor sa paglalakad paikot kay Everen. Tumigil ang laki sa likod ni Everen at natatawang pinatong ang baba sa balikat ni Everen. "You look even better sa mga matandang police na humahabol sa akin this past few days. Bakit hindi ako lalabas at babatiin ka?" Naiyukom ni Everen ang kamao at napayuko. "Arson, ano ba tunay na purposed mo? Why you keep doing this in yourself? Apat na naman sa mga Jobwill ang namatay at ikaw na naman ang nasa likod ng mga iyon. Kung may nagawa sa iyo mga Jobwill bakit hindi mo sila isumbong sa mga pulis." Humarap si Everen kay Victor at sinabi na tutulungan niya si Victor makamit ang hustisya. "Maniwala ka sa akin! Tutulungan kita!" Nawalan ng buhay ang mga mata ni Victor at tinitigan si Everen. "If you want truly want to help me— just mind your own business at ialis no ang sarili mo sa landas ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD