Chapter 33 "Victor? Ano ginagawa mo dito? Wala ka work?" tanong ni Catherine. Nakita niya sa living room si Victor at Phinea. Magkaharap ang dalawa at may hawak si Victor na lipstick. "Mamaya pa na hapon next scene ko," sagot ni Victor na todo focus sa paglalagay ng lipstick sa asawa. "Ano ginagawa niyo dalawa?" tanong ni Catherine. Lumingon si Victor at proud na sinabi tinutulungan niya magmake up si Phinea. "Hindi halata na bored kayo ano?" sarcastic na sambit ni Catherine. Pagkatapos malagyan ni Victor ng lipstick si Phinea, nagsimula naman ang lalaki kilayan ang asawa. "Ihahatid kita mamaya sa meet up location," informed ni Victor. Nakapikit si Phinea na sumagot. "Hindi ka pwede pumasok," ani ni Phinea. Napatigil si Victor at tinanong kung bakit. Minulat ni Phinea ang ma