“Salamat, Troy,” sambit ko habang nakahawak sa wineglass ko. Nakatulog si Josh doon sa sofa dahil sa kalasingan. Kaming dalawa na lang ni Troy ang hindi gaanong nag-inom. “Tsaka ka na magpasalamat kapag may nagawa na ako,” aniya sabay ngiti habang kumukuha siya ng pulutan. “Mag-focus ka na lang muna sa work mo sa AA Group. Don’t think about Archer. I-divert mo yung atensyon mo sa mga importanteng bagay.” “Ano pa nga ba. Yon naman palagi ang iniisip ko. Lalo na ngayon. Ang importante lang naman sa akin maalagaan ko si Marco,” wika ko. “That’s right,” ani Troy. Nagkaroon ng saglit na katahimikan. Nakatitig lamang ako sa mga nakahain sa mini bar counter at ganoon rin si Troy. “Ubusin ko lang ‘tong bote ko, tapos uuwi na kami ni Josh.” Natapos kaming uminom. Tinulungan ako ni Troy na mag