Itinago ni Russel ang sketch ng dalaga sa kanyang kotse. Gusto niyang ipakopya iyon kapag may oras na siya at saka naman niya ibabalik nang may frame na ito sa dalaga. Napangiti pa siya na parang bata. He wondered why she sketched him three years ago, without his knowledge. And he thought it was cute. Tuloy inspirado siya dahil sa dalaga. At ang saya-saya ng kanyang naramdaman ngayon dahil dito. It just confirmed that Aica had been thinking of him for the past three years. Sa loob-loob niya ay sigurado na siyang hindi rin siya nito nakalimutan dahil doon. Katulad ng kanyang nadarama para ritong naging laman ito ng kanyang isip sa loob ng tatlong taon. Kahit na hindi rin niya inasahang magkikita silang dalawa ng babae. Napatitig siyang muli sa sketch. Baka naiguhit iyon ng dalaga habang n