Chapter 36

2377 Words
HINILA ni Epiphani ang kamay ni Mari papunta sa kusina. May gusto lang siyang i-confirm dito base sa napanuod niyang balita sa TV. “Umamin ka nga sa akin, Mari. Totoo ba ang lahat ng ‘yon?” naguguluhang tanong ni Epiphania. Napataas ng kilay si Mari. “Po? Ang alin, La?” Kitang-kita ni Epiphania sa mga mata ni Mari na tila bang pinipilit nitong iwasan ang ganitong usapan. “Mari, naman. H’wag ka nang mag maang-maangan. Napanuod ko sa balita ang tungkol sa inyo ni Clarence. Totoo bang kasal na kayo? At si Gianni ay anak ni Clarence?” Natigilan si Mari sa narinig niya. Hindi niya alam kung paano niya sasagutin ang mga tanong ng lola niya. Nahihiya siyang umamin. Baka nga ikahiya pa siya nito. “La. . .” may alinlangan na sambit ni Mari dito. “Ano? Hindi ka aamin?” Mula sa kusina ay kitang-kita ni Mari sina Clarence at Gianni na masayang nagkukulitan sa sala. Naisip niyang oras na para malaman ng lola niya ang totoo. Huminga muna siya nang malalim saka nagsalita. “Totoo. Totoo ang napanuod mo sa TV. Si Clarence ang nakasama ko sa bar seven years ago. We signed a fake marriage certificate, katuwaan lang naman ‘yon. Wasak na wasak ako no’n, La.” “Kaya nawasak din ang p********e mo no’ng gabing ‘yon?” natatawang birong sabi ni Epiphania. “La, naman! Basta. Dumating na lang sa punto na nasama pala do’n ang fake marriage certificate namin ni Clarence sa marriage certificate ng ate niya. Ayon, napirmahan ng lawyer kaya naging legal kami. Late ko na lang din nalaman no’ng kumuha ako ng cenomar para sa single-parent assistant na kasal na pala ako.” Seryosong tiningnan ni Epiphania si Mari at ilang sandali pa ay bigla siyang humalakhak ng malakas. Napatingin tuloy sina Clarence at Gianni sa kusina. Nanlaki naman ang mata ni Mari at agad na tinakpan ang bibig ng lola niya. “La, nakakahiya sa bisita!” natatarantang sabi niya. Tinanggal ni Epiphania ang kamay ni Mari sa bibig niya. “Alam mo, hija, masaya ako para sa’yo. Panatag na akong si Clarence ang asawa mo. Tingnan mo. . .” Binalingan ng tingin ni Epiphania sina Clarence at Gianni. “. . . kumpleto na ang pamilya mo. At bagay na bagay kayo ni Clarence,” dagdag pa niya. Hinawakan ni Epiphani ang kamay ni Mari. “Hija, h’wag mo siyang pakakawalan. Ramdam ko naman na sincere siyang tao, mabait at mapagmahal siya. Tama ang naging desisyon niyang iwan si Kate.” Nakatatak sa isip ni Mari ang mga sinabi ni Epiphania habang naglalakad sila pabalik ng sala. Napatingin si Mari kay Clarence at maya-maya pa’y nagtama ang mata nila. Clarence was smiling at her. Totoong sincere si Clarence sa nararamdaman nito para sa kanya. “Oh siya, d’yan lang muna kayo at mamamalengke pa ako,” paalam ni Epiphania nang kunin ang eco bag na nakasampay sa pako. Kaagad naman na nilapitan ni Clarence si Epiphania para magpakitang gilas. “Pupunta kayo ng market? Mang-go-grocery kayo? What if kami na lang ni Mari ang bibili?” boluntaryo na sabi ni Clarence. Itinaas ni Epiphania ang mga kilay niya. “Sigurado ka, hijo?” Palihim siyang ngumiti at mapang-asar niyang tiningnan si Mari. “Oo naman po! Kaya namin ni, Mari ‘yan. Para naman po makapag pahinga po kayo,” mabilis na pagsagot ni Clarence. Dinilatan lang ni Mari si Epiphania at umiiling ito dahil hindi siya pabor sa kagustuhan ni Clarence. Nagkibit-balikat na lang si Epiphania. “Magandang ideya nga ‘yan, hijo. Masakit na rin mga tuhod ko sa rayuma. Oh ‘eto ang eco bag.” Binigay ni Epiphania ang eco bag kay Clarence. “Gamitin mo ‘yan para may lalagyan kayo.” Lumapit si Epiphania kay Mari. “At ito ang listahan ng mga bibilhin niyo ni Clarence saka ito na rin ang pera,” wika niya nang ibigay dito ang papel at pera. May alinlangan na tinanggap ni Mari ito. “La, naman, ba’t ba kasi pumayag kayo?” pabulong na tanong ni Mari. “Chance mo na ‘to para ma-solo mo si Clarence. H’wag ka na kasing magpakipot pa. Oh sige na, umalis na kayo,” kilig na sabi ni Epiphania. “Mag-iingat kayong dalawa. Basta h’wag niyo lang tagalan, ah? Gutom na kami ni Gianni.” Lumapit si Gianni kay Mari. “Mom, please don’t forget yung fried chicken.” “Of course, anak, alam kong paborito mo ‘yon,” pagkumpirma ni Mari dito. Lumabas na ang dalawa sa bahay at dumiretso sa sasakyan. Pagpasok ng dalawa ay humarap si Mari kay Clarence. “Sigurado ka bang kaya mong sumama sa akin sa palengke?” tanong ni Mari. Napatingin siya sa suot ni Clarence na naka-business suit na kulay navy blue. Napansin ni Clarence ang pagtingin ni Mari sa damit niya. “Bakit? Ngayon ka lang ba nakakita ng taong mag-go-grocery na ganito ang attire? Me and Mike always do that,” confident na sabi ni Clarence. Napabuga ng hangin si Mari saka siya natawa sa sinabi nito. “Talaga lang, ah? O sige, I’ll challenge you,” aniya saka sinuot na ang seat belt. “Right. So, please lead me the way,” wika ni Clarence. Sinimulan na niyang paandarin ang sasakyan. No’ng nasa byahe na sila ay panay bigay ng instructions si Mari. Habang palapit nang palapit na ang destinasyon ay tila bang confused na si Clarence, nilagpasan ba naman nila ang isang hypermarket na akala niyang do’n sila paparada. “Opps. Nandito na tayo, Clarence. Do’n ka na lang pumarada,” pagturo ni Mari sa bakanteng parking space katabi ng isang lumang tricycle. Pagkahinto ng pagkahinto ng sasakyan ni Clarence ay napatitig na lang siya sa labas. He didn’t expect na iyon pala ang lugar na pagbibilhan nila ni Mari—ang wet market. Nakangiti si Mari habang bumababa siya ng sasakyan. Samantalang hindi naman maipinta ang mukha ni Clarence sa nakita niya. Yumuko si Mari at binuksan ang pinto ng sasakyan, hindi pa kasi bumababa si Clarence. “What are you waiting for? Let’s go na!” excited na ngiting sabi ni Mari. Dahan-dahang bumaba si Clarence. Iniisip niya na lang na isa lamang itong pagsubok. Napatingin siya sa kanyang puting sports car. Hinimas niya ang ibabaw nito dahil nangangamba siya na baka may masamang mangyari pagbalik nila. Ilang sandali pa’y may isang matandang lalaki ang lumapit sa kanila. “Sir, ang ganda naman po ng sasakyan niyo. Pero h’wag kayong mag-alala, ako magbabantay dito,” ngiting sabi niya kay Clarence pero di pa rin ito mapanatag. Nang mapansin ito ni Mari ay nilapitan niya ito. “Clarence, may mga tao talagang nagbabantay dito kaya chill ka lang,” aniya saka nginitian ang matanda. “Tay, kayo na po ang bahala. Alis na po kami,” ani Mari saka hinila si Clarence. Hindi pa sila nakakalayo ay biglang may naapakan si Clarence. Napahinto siya at napasigaw sa gulat. “Whoa! What was that?” tanong niya kay Mari. Napayuko si Mari para tingnan niya ang naapakan ni Clarence. Napansin niya ang makintab na black shoes nito kaya natawa siya. Mabuti na lang ay hindi bomba ng kamalasan ang naapakan nito kundi putik. “Relax, maputik talaga ang daan dito ‘pagkatapos ng ulan,” pagpigil tawa niya kay Clarence. “A-Are you sure? Madulas kasi. . .” tanong ni Clarence habang nakatingala siya. “Oo. Kahit tingnan mo pa.” Napakagat ng ibabang labi si Clarence saka pilit na tiningnan ang naapakan niya. Nakahinga siya nang maluwag nang makumpirma ang putik. “Pwede mo naman siguro isawsaw ang sapatos mo do’n sa tubig ulan,” pagturo ni Mari sa namumuong tubig di kalayuan sa kinatatayuan nila. Nanlaki ang mata ni Clarence saka nakailang pagkurap siya ng mata. “S-Seriously? Isasawsaw ko ang black shoes ko sa tubig ulan?” hindi makapaniwala na tanong niya kay Mari. Seryosong tumango si Mari. “Oo. Ganiyan ginagawa ko kapag nakatapak ako ng putik. Minsan nga sa mga damuhan ko pinapahid ‘yon,” pagsalaysay niya. Huminga ng malalim si Clarence at lumakad papunta sa tubig ulan saka niya sinawsaw ang sapatos. Napatingin na lang siya sa malayo habang ginagawa ‘yon. Marahang natawa naman si Mari nang masaksihan niya ‘yon. Alam niyang hindi sanay si Clarence sa buhay mahirap. Ganitong-ganito rin siya no’ng unang araw niya sa Baguio. Hirap na hirap siyang baguhin ang estado ng buhay niya. Pero natuto siya mabuhay at tumayo sa sarili niyang mga paa. Ayaw niyang umasa sa lola niya, isa pa ay matanda na ito. Nang matanggal na ang putik sa sapatos ni Clarence ay diretso na sila sa main entrance ng wet market. Pagkapasok na pagkapasok nila ay isa na namang pagsubok ang sumalubong sa kanya—ang masangsang na amoy ng palengke. Naghalo-halo ang amoy ng isda, karne, gulay at kung ano-ano pa. “Ito ang wet market, Clarence. Dito kami bumibili ni Lola Epiphania kasi mas mura kaysa sa supermarket,” paglahad ng kamay ni Mari sa loob ng palengke. Bigla na lang naalala ni Clarence ang sinabi niya kay Mari noon. “Ang hirap palang dumaan sa butas ng karayom,” aniya sa isip. Naunang maglakad si Mari sa loob at no’ng di pa siya nakakalayo ay huminto siya at nilingon si Clarence. Napansin niyang nasa entrance pa rin ito. “Nagbago na ba ang isip mo, Clarence?” tanong niya rito. Napakurap ng dalawang beses si Clarence saka tumikhim. “N-No.” Agad na naglakad siya papunta kay Mari. “Please lead the way,” wika pa nito. Tumango si Mari at pagtalikod niya ay natawa siya. “He’s so cute!” aniya sa isip habang pinipigilan ang kilig niya. Una nilang pinuntahan ang mga vegetable section. Maraming mga suking tindahan si Mari kaya binibigyan siya ng mga ito ng discount. Pero ang panghuling pinuntahan niya ay ang tindahan ni Aling Berta. “Wow! Boyfriend mo ba siya, Mari?” tanong ni Aling Berta habang pinapasok ang mga piniling gulay ni Mari sa cellophane. Umiling si Mari. “H-Hindi po, Aling Berta. Kaibigan ko lang po siya. Ikaw naman!” nahihiyang tugon niya. “Aba’y napakaguwapo naman kasi ng kasama mo. Halatang mayaman. Tingnan mo naman ang itsura, desenteng tingnan,” kilig na salaysay ni Aling Berta. Ilang sandali pa ay biglang sumingit si Paulo na binatang anak ni Aling Berta. Matagal nang crush ni Paulo si Mari pero friendzone lang siya nito. “Sus! Kaya ko rin naman magsuot ng ganiyan, Ma! Bagay din naman sa akin ang mala-business attire na suot. Saka mas gwapo ako kaysa sa kanya hindi ba, ganda?” ngiting tanong ni Paulo kay Mari saka siya nagpa-cute sa harap nito. Nanlaki naman ang mata ni Clarence sa ginawa ni Paulo. Napabuga siya ng hangin na tila bang gusto niyang gulpihin si Paulo sa isip. “Bagay? Mas gwapo? At ‘ganda’ ang tawag niya kay Mari? Huh!” sunod-sunod na tanong ni Clarence sa isip niya. Hindi sumagot si Mari bagkus ay naghintay lang siya sa sukli niya kay Aling Berta. “Ma, magkano ba sukli ni ganda?” tanong ni Paulo. May bago kasing customer na ini-entertain si Aling Berta kaya lumipat ito sa kabilang side. “One hundred lang, anak. Pakibigay na lang kay Mari,” tugon na sabi ni Aling Berta. Agad na kumuha ng isang daang piso si Paulo sa lalagyan ng pera nilang arinola. Ngiting tumingin siya kay Mari at ‘di nawala sa mukha niya ang pagpapa-cute rito. “Here’s your sukli, ganda,” wika ni Paulo na may halong mapang-akit na boses. Ilalagay na sana ni Paulo ang kamay niya sa palad ni Mari nang biglang hinablot ni Clarence ang pera mula kay Paulo. “Enough. Hindi ka cute kaya h’wag kang magpa-cute kay Mari,” seryosong sabi ni Clarence na may halong pagkainis. Hinawakan niya ang kamay ni Mari at hinila ito palayo sa tindahan ni Aling Berta. “C-Clarence, ano ba?” kunot-noong tanong ni Mari. Huminto sila sa gilid ng isdaan saka binitawan ni Clarence ang kamay nito. “Hindi ako komportable na nakikipag-usap ka sa ibang lalaki, Mari,” tugon na sabi niya. Napataas ng kilay si Mari. “Teka nga, Clarence. Nagseselos ka ba?” tanong niya. Napalunok si Clarence at agad na iniwasan ang tingin niya kay Mari. “H-Hindi, ah! Pinoprotektahan lang kita do’n sa lalaking nagpapa-cute sa’yo. Hindi ako nagseselos, Mari,” pautal-utal niyang paliwanag dito. Nagkibit-balikat na lang si Mari. “Okay.” Sunod na pinuntahan nila ang isdaan. Halos ma-slide si Clarence habang naglalakad sila sa daan dahil sa tubig na umaagos sa sahig. Pagtitinginan tuloy ito ng mga tao kaya napayuko na lang si Clarence sa hiya. Bumuga ng hangin si Clarence. Kailangan niyang tiisin itong pinagdadaanan niya ngayon. Total ginusto niya naman ito para mapasagot niya si Mari. Napansin ni Mari ang paghihirap ni Clarence dala-dala ang mabigat na eco bag pagkalabas nila ng isdaan. Tila bang natunaw ang puso niya dahil sa effort na ginagawa nito. “Clarence, dito ka na lang muna. Ako na lang papasok sa meat section. Hintayin mo na lang ako rito,” wika ni Mari saka tumango ito. Mga halos sampung minutong nag-antay si Clarence at tila nakaramdam na siya ng gutom. Sa pag-ikot nila sa wet market at pagbitbit niya ng mabigat na eco bag ay dama na rin siya ang pagod. Palinga-linga siya sa kanyang paligid. Hindi niya maiwasang mapansin ang pagod sa mukha ng mga nagtitinda dahil sa determinasyon na kumita para sa pamilya nila. Hindi namalayan ni Clarence na naluluha na pala siya rito. Bigla na lang kasi pumasok sa isip niya na ganito siguro ang pinagdaanan ni Mari no’ng itinakwil ito ng mga Harrington. Mula sa marangyang buhay hanggang sa nagdusa at naghirap. Pagdating ni Mari ay bigla niya na lang niyakap ito nang mahigpit. Nanlaki naman ang mata ni Mari sa ginawa ni Clarence. “C-Clarence,” naguguluhan na sambit ni Mari sa pangalan ngunit di siya dininig ni Clarence bagkus ay hinigpitan pa lalo nito ang pagyakap sa kanya. “I’ll save you from this, Mari. I promise,” wika niya at patuloy na niyakap ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD