MATAGUMPAY na ngiti ang ginawa ni Kate. Masaya siyang makitang nababalisa na si Mari. “See? Ang DNA na mismo ang nasabi na hindi ka parte ng pamilyang ito, Mari,” sabi ni Kate na may halong pangungutyang boses. "You've caused enough trouble, Mari. Leave this house and never come back," utos ni Silvana rito. Ilang segundo ang nakalipas ay kumunot ang noo ni Silvana. Hindi pa rin kasi umaalis ito. “Ano? Hindi ka pa aalis sa mansyon?” Nilakasan ni Silvana ang boses niya. “Guard!” Agad na pumasok sa sala ang gwardya nila. “Yes po, Ma’am?” “Kaladkarin niyo nga palabas itong kutong lupa. Siguraduhin niyo lang na hindi na siya makakaapak pa sa mansyong ito!” inis na sabi ni Silvana. Agad na hinawakan ng gwardya ang braso ni Mari. “Bitawan mo ako! Kaya kong maglakad palabas ng mansyon!”