Chapter 33

1385 Words
“CLARENCE . .” gulat na sambit ni Mari sa pangalan nito. Agad na iniwasan ni Mari ang tingin niya kay Clarence. May kung anong init siyang naramdaman sa buo niyang katawan kasabay ng paglakas ng kabog ng dibdib niya. Pulang-pula na ang mukha ni Mari. Hindi niya alam kung paano niya haharapin si Clarence pagkatapos ng confession nito. Nang maramdaman ni Clarence ang pag-aalinlangan ni Mari ay napakamot siya sa likod ng kanyang ulo saka napatingin rin sa malayo. The atmosphere fell into an awkward silence. Hindi inaasahan ni Mari na ibubunyag ni Clarence ang feelings na ‘yon. Sino ba siya para magustuhan ni Clarence? Isa lang naman siyang hamak na empleyado, at itinakwil na rin siya ng Harrington. Wala siyang maipagmamalaki rito. Nakakahiya para sa kanya na maging asawa ni Clarence. Nagbaba ng tingin si Mari, iniiwasan niyang makipag-eye contact kay Clarence. Hindi rin siya sigurado sa isasagot niya rito. Tumikhim si Clarence para basagin ang katahimikan. Nilakasan niya na lang ang loob niya saka siya nagsalita, “I understand if this is too much to take in. I just need you to know how I feel. I don’t want to pressure you or anything. We can take things one step at a time.” Ngayon ay itinaas ni Mari ang kanyang tingin at sinalubong ang mga mata ni Clarence. Mas lalong namula ang pisngi niya sa kahihiyan at nauutal na sabi, “I-I. . . I didn’t see that coming. I mean, we got married accidentally, and now. . .this is just unexpected.” Tumango si Clarence. Nauunawaan niya na medyo kumplikado pa ang sitwasyon. “I know it’s a lot of process, Mari. I don’t want to rush anything. I just felt it was time to be honest with you about my feelings.” Napakagat labi si Mari, pinag-iisipan niya ang isasagot. “Clarence. . .” Natigilan si Mari nang ma-realize niyang hindi na siya nag-si-sir dito. “I mean, Sir Clarence.” Biglang tumawa nang marahan si Clarence. Nanlaki ang mata ni Mari sa ginawa nito. Hindi niya alam pero para sa kanya ay masarap pakinggan ang tawa nito. Even his gaze seemed to pull her in, a gravitational force she couldn’t resist. Para siyang kakapusin ng hininga dahil sa ubod nitong kagwapuhan. Sh*t! Agad na iwinaksi ni Mari sa isip niya ‘yon. Baka mamaya niyan ay matameme siya sa harap ni Clarence at magmistulang pipi. “It’s okay, Mari. Mas gusto ko nga na tinatawag mo ako sa sarili kong pangalan. Please drop that thing,” pakiusap ni Clarence. Nahihiyang tumango si Mari. “I think I need time to think. It’s just. . . it’s a lot to absorb.” “Of course,” sagot ni Clarence. “Take all the time you need. I didn’t mean to overwhelm you. I just wanted you to know where I stand.” Napatingin muli sa malayo si Mari habang pinipigilan ang sarili na h’wag ma-overwhelmed. She’s screaming inside. Hindi niya alam kung paano niya pakakalmahin ang sarili niya dahil nag-confess ang isang perpektong nilalang sa harap niya. Gusto na lang niyang magpagulong-gulong sa lupa at tumambling sa tuwa. Pero hindi pwede, kailangan niyang maging disente tingnan kay Clarence. “Kailangan ko na sigurong umuwi, Clarence,” nahihiyang sabi niya rito. “Yeah, right! Hatid na kita.” Iiling sana si Mari pero biglang dumating ang sasakyan sa harap nila. Bumaba si Mike at binigay ang susi kay Clarence. “Get in,” wika ni Clarence kay Mari nang pagbuksan siya ng kotse. Napatingin si Mari kay Mike. “H-Hindi si Mike ang mag-da-drive?” “I’ll drive you home, Mari,” tugon na sabi ni Clarence. Nanlaki ang mata ni Mari. “S-Sigurado ka?” muling tanong ni Mari. Biglang namula ang pisngi ni Clarence nang ma-realize niyang first time niyang ihahatid si Mari at first time niyang makakasama ito nang solo sa kotse. “Y-Yes. It’s getting late na. Kailangan na kitang ihatid sa inyo at baka kung anong isipin pa ni Lola Epiphania,” trying hard na pabirong sabi ni Clarence Napalunok si Mari sa sinabi nito. Bakit? Ano naman iisipin ng Lola Epiphania niya? Di na siya nag-alinlangan na pumasok sa front seat, sumunod naman na pumasok si Clarence sa tabi niya. Lalapit sana si Clarence kay Mari para ikabit ang seat belt pero agad na inunahan ni Mari ito. “A-Ako na,” pautal niyang sabi habang kinakabit ang seat belt. Napangiti na lang si Clarence sa ginawa nito. Pinaandar na ni Clarence ang engine at habang nasa byahe ay tahimik lang ang dalawa. Pagdating nila sa tapat ng bahay ay agad na tinanggal ni Mari ang seat belt niya. “S-Salamat,” nahihiyang sabi ni Mari habang nakayuko siya. Huminga nang malalim si Clarence saka dahan-dahan niyang inangat ang kamay niya saka hinawakan ang baba ni Mari para iharap ito sa kanya. He looked at Mari seriously. “Like I said earlier, I won’t rush you. Kung kailangan kong dumaan sa butas ng karayom, gagawin ko, Mari. Liligawan kita.” Mari’s eyes widened in surprise. Clarence continued, his voice is soft but determined, "I meant what I said about wanting more. I want this to be real, and I want to be there for you and Gianni. Take your time, Mari. I'll be patient, but know that I'm serious about this." May kung anong kuryenteng dumaloy sa buong katawan ni Mari. Any minute ay baka mahimatay siya dahil sa mga titig ni Clarence. “G-Goodnight na. Alis na ako,” wika niya saka dagling binuksan ang pinto. Aalis na sana siya nang magsalita muli si Clarence, “Goodnight, Mari. I’ll see you tomorrow,” aniya saka ngumiti. Ngumiti si Mari at tumango. “Mag-ingat ka sa byahe,” sabi niya bago sinara ang pinto. Pagkalayo na pagkalayo ng sasakyan ni Clarence ay napabuga siya ng hininga. Napahawak siya sa dibdib siya para pakalmahin ito. “Totoo ba ‘yon? Nananaginip ba ako?” naguguluhang sabi niya saka pinagsasampal-sampal ang pisngi. Pagpasok niya sa loob ay saktong gising pa ang lola niya. Nakaupo si Epiphania sa sala at nilapitan niya ito. “La! Pisilin mo nga ako. Dali!” Nagsalubong ang kilay ni Epiphania. “Anong nangyayari sa’yo, Mari? Ayos ka lang ba?” “Kaya nga po, La, gusto kong makasiguro kung ayos lang ba ako? Kung panaginip lang ba ang lahat ng ito. Dali.” Kinuha ni Mari ang kamay ni Epiphania at tinapat sa braso niya. “Kurotin mo ako, La. Sige na po.” Hindi pa rin makapaniwala si Epiphania, tila naguguluhan siya kay Mari. Pero dahil makulit si Mari ay pinagbigyan niya ito. Kinurot niya ang braso ni Mari dahilan nang mapasigaw ito sa sakit. “Aray ko naman, La! Ang sakit no’n!” reklamo niya nang himashimasin ang braso. “E, sabi mo kurutin kita. O ayan, kinurot na kita. Ayos ka na ba? Kung hindi pa, kukurutin ko naman sa kabila.” Akmang tatayo na siya para gawin ‘yon pero agad na nilayo ni Mari ang sarili niya rito. “Kailangan ko na po pala matulog. Maaga pa pala ako bukas,” ani Mari at bago siya pumunta ng kwarto ay naglamano muna siya rito. Hindi mapigilan ni Mari na mapangiti habang naglalakad siya patungong kwarto. Naalala na naman niya ang mga sinabi ni Clarence kanina. “I won’t rush you” “Kung kailangan kong dumaan sa butas ng karayom, gagawin ko, Mari.” “Liligawan kita.” Binagsak niya ang sarili sa malambot niyang kama at napangiti. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong kilig sa tanang buhay niya. “Bakit ba kasi ang gwapo niya?” sabi niya sa sarili habang nakangiti. Kinuha niya ang unan sa taas at binaon ang mukha rito. Samantala, pagdating ni Clarence sa condo niya ay napaupo siya sa couch. Ilang sandali pa ay napangiti siya nang maalala niya ang reaksyon ni Mari. “She’s so cute,” kilig niyang sabi saka biglang namula ang pisngi niya. Tumindig siya at nagtungo sa kusina para kumuha ng isang basong tubig. Pagkatapos niyang uminom ay huminga siya nang malalim saka hinawakan ang dibdib. Kabado siya dahil hindi niya alam kung paanong ligawan ang isang babae. He had never even attempted to court a girl before, not even with Kate.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD