Napangiti si Kate nang makita ang presensya ng mommy niya. Nasa loob sila ng kuwarto na may harang na glass sa pagitan nila. Dito ginagawa ng mga taong gustong bisitahin ang mga preso. "Makakalabas na ba ako, Mom?" excited na tanong niya. Napansin ni Kate ang biglaang pagbabago sa mukha ni Silvana. Tila lumungkot ang mata nito, at ang kanyang mga labi ay parang nag-aalangan bago magsalita. "Kate..." malumanay na sabi ni Silvana, "hindi ka na makakalabas nang basta-basta dito." Marahang tumawa si Kate habang nangigilid ang mga luha sa mata. "That's not true, Mom," aniya habang umiiling siya. "I know dad will come here to get me out," dagdag pa niya. "At hindi na mangyayari iyon, Kate. Pinapalayas na ako ng daddy mo." Napatindig sa gulat si Kate. "What?!" galit na tanong niya. Gulong-