“I HAVE an answer to that problem, Ate.” Pagkababa ni Vina sa cell phone niya ay biglang lumapit si Kate sa kanya. Kate was smiling while looking at her sister. Napataas ng kilay si Vina. “Why are you looking at me like that?” tanong niya. Nagkibit balikat si Kate. “Nothing. Masaya lang ako,” tugon ni Kate tungkol sa mga nalaman niya, sa pagiging tunay niyang Harrington. Napabuga ng hangin si Vina dahil hindi ito makapaniwala. “Really? Sa lahat ng nangyari, masaya ka?” Ngumiwi si Kate nang tumango siya. “Hmm. Partly, yes. You know what? I think I should pay a visit to Mari sa Harrington company. Hindi ba’t pupunta ka ngayon? Sabay na tayo?” kunwaring excited na sabi ni Kate. Hindi makapaniwala si Vina sa kinikilos ni Kate. Napaka-unusual na bigla na lang makikipag-close ito sa kan