Chapter 26

1108 Words
TUMINDIG si Clarence mula sa kinauupuan niya at saka dahan-dahan naglakad papunta kay Mari. Hindi maigalaw ni Mari ang kanyang sarili habang pinagmamasdan niyang papalapit na si Clarence. Seryosong nakatitig lang si Clarence hanggang sa huminto ito sa harap niya. “C-Clarence. . .” nauutal niyang bigkas dito. Napalunok na lang si Mari nang tumingala siyang tingnan ang mukha ng boss niya. “I know you already knew it, Mari. Pinaglalaruan mo ba ako dahil mag-asawa tayo?” Namilog ang mata ni Mari at napataas siya ng kilay. She didn’t expect that Clarence would say that. “Ano? Pinaglalaruan? Anong ibig sabihin no’n, Sir? Saka oo, inaamin kong alam kong mag-asawa tayo simula pa no’ng kumuha ako ng cenomar at malaman ang status ko,” inis na sabi niya rito. Ngumiwi si Clarence saka nanliit ang mata. “Why didn’t you tell me that? Huh? Bakit kailangan ko pang malaman sa HR?” Napabuga ng hangin si Mari. “Sir, please lang. H’wag mong isisi sa akin ang nangyari. No’ng nalaman ko ‘yon, I don’t remember anything. Nalaman ko na lang lately ang totoong nangyari. At saka hindi ko kasalanan na naging valid ang fake marriage natin.” Matalim niyang tinitigan si Clarence. “You, you made that happen. Don’t you?” madiing seryosong tanong niya rito. Nalusaw ang seryosong mukha ni Clarence at napakurap na lang siya. Halatang guilty siya sa nangyari. “I. . .I didn’t mean that to happen, Mari. Marriage certificate ‘yon ng kapatid ko, and it was intended to be signed by a lawyer the next day. I had no idea our fake marriage contract got included, turning it into a legal document.” Napakibit-balikat na lang si Mari. “So, it’s not my fault, Sir Clarence. Ikaw ang dahilan kung bakit legally married na tayo.” Tumaas bigla ang mga kilay ni Clarence. “Are you kidding me? I didn’t start that whole fake marriage thing, Mari, it was you. Kung hindi ka nag-insist na pirmahan ang fake marriage, hindi sana hahantong sa ganito. Wala rin akong maalala after that incident.” Muling napabuga ng hangin si Mari saka marahang natawa. “Ako pa ngayon ang may kasalanan? It was your negligence, Sir Clarence. Kung hindi mo sana sinama ang papel na ‘yon, hindi sana naging legal document ang fake marriage natin!” “Negligence? Really, Mari? Negligence din ba ang nagbunga ang init ng gabing ‘yon?” Nanlaki ang mata ni Mari sa sinabi nito. Bumalik si Clarence sa desk niya at may kung anong kinuha siya sa drawer. Mari saw a white long envelope saka inunat ni Clarence ang braso kay Mari. “Here, read this.” Agad naman na tinanggap ni Mari ang bagay na ‘yon. Unang basa niya pa lang sa tatak ng envelope ay kinabahan na siya. “S-Sa D-DNA testing lab ‘to?” Tumango si Clarence. “Yes.” Huminga nang malalim si Mari bago binuksan ang envelope. Paghila niya sa loob ay bumungad sa kanya ang naka-bold letter names nina Gianni at Clarence, sa ibaba naman ay paternity result na 99.99%. Halos mabitawan ni Mari ang hawak niyang DNA result nang mag-match ang dalawa. “He’s the father of my son?!” gulat niyang sabi sa isip. Hindi siya makapaniwalang si Clarence nga ang ama ni Gianni. Biglang naalala ni Mari ang stepsister niyang si Kate. Alam niyang darating ang panahon na ikakasal na si Clarence at mag-me-merge na ang Harrington at Sinclair. Ayaw niyang malaman pa ng mga tao ang tungkol sa marriage nila. Kailangan niyang gumawa ng paraan para hindi masira ang relasyon ni Clarence kay Kate. Pero naaawa siya sa kanyang anak. Ano na lang sasabihin ni Gianni kung magkataon na malaman niya na totoong ama nito si Clarence? Binaling ni Mari ang tingin niya muli kay Clarence. Seryosong tinitigan niya ito at saka siya nagsalita, “Hindi pwedeng malaman nito ni Gianni, nakikiusap ako sa’yo, Sir Clarence.” “Why? Hindi ba’t mas okay kung malaman niyang ama niya ako?” tanong ni Clarence. Umiling si Mari. Hindi niya minamaliit ang kapasidad ng stepmother niyang si Silvana dahil marami itong koneksyon, at baka ikapapahamak pa ng anak niya kapag malaman ng pamilya niya ito. “Ayokong malaman ng Harrington group ang tungkol dito, Sir Clarence, kahit sa ibang tao ay hindi pwede. Mas lalo lang gugulo ang lahat kapag mangyari ‘yon.” Tumango lang si Clarence. “I understand you. But I have one condition.” “Ano ‘yon?” “H’wag mong ipagkait sa akin ang pagiging tatay ko kay Gianni. Kahit isipin niyang nagkukunwari lang kami, pagbigyan mo akong bumawi sa pitong taong hindi ko siya nakasama.” Kahit medyo nag-aalangan si Mari ay naisip niyang masama naman kung ipagkakait niya pa si Gianni kay Clarence. Alam niyang naghahanap ng tatay ang anak niya kaya pagbibigyan niya ito. Huminga siya nang malalim. “Sige, pumapayag ako pero dapat mag-ingat ka please. Lalong-lalo na kay Kate, ayokong malaman niya ang tungkol sa atin at sa anak natin.” “Makakaasa ka, Mari.” Nakahinga nang maluwag si Mari sa sinabi nito. “Salamat at nagkakaintindihan tayo. Siguro kailangan ko nang umalis.” Hinayaan ni Clarence na umalis si Mari hanggang sa mahawakan nito ang doorknob. Akmang bubuksan na ni Mari ito nang muli siyang lumingon kay Clarence. “H’wag ka pong mag-alala, Sir Clarence, pipirmahan ko ang annulment natin bago ka ikasal kay Kate,” ani Mari saka umalis ng opisina. Tulalang nakatingin lang si Clarence sa pinto ng opisina pagkatapos isara ni Mari ‘yon. Hindi niya alam pero hindi siya masaya sa huling sinabi nito. Pinilig niya ang kanyang ulo dahil alam niyang mali ang nararamdaman niya para dito. “Gusto ko na ba siya?” naguguluhang tanong niya sa isip at saka biglang namula ang mga pisngi niya. “No. I must stick to my plan. Focus, Clarence, focus,” wika niya sa sarili saka napahilamos siya ng mukha dahil gulong-gulo ang isip niya. Ilang sandali pa ay biglang pumasok si Mike sa kwarto. “Sir! Alam ko na kung sino si Gabriel Alcantara!” excited na sabi ni Mike. Tinaas lang ni Clarence ang kilay niya waiting for his secretary to spill that news. “Second cousin po pala ‘yon ni Mari.” Napabuga ng hangin si Clarence kasabay ng pag ngiti niya. Nakakahiya man sa reaksyon at kilos niya no’ng unang makita niya ang dalawa, basta’t alam niyang walang romantic relationship ito. Wait a minute. Natigilan si Clarence nang ma-realize niyang kanina pa siya napapangiti. Tunay nang umiibig na siya kay Mari na asawa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD