Chapter 23

1149 Words
MALUNGKOT na lumapit si Manager Patricia kay Mari habang hawak ang job offer termination saka binigay ito kay Mari. “Kailangan mo raw pirmahan, Mari,” walang emosyong sabi ni Patricia. Tinanggap naman ito ni Mari. Nanlaki ang mata ni Mari sa nabasa niya, totoo ngang pinahinto na siya ni Clarence sa paglilinis ng opisina nito. Ngumuso si Patricia saka siya nagsalita, “Nakakalungkot naman, pati ako hindi natuloy ‘yong offer.” Napataas ng kilay si Mari. May kung anong guilt siyang naramdaman sa puso dahil hindi niya sinasadya ‘yon. Gusto lang naman niya na makawala kay Clarence lalo pa’t nalaman na nito ang katotohanan. “Pasensya ka na, Ma’am Patricia. Hindi na kasi kaya ng oras ko isabay ang trabaho ko bilang concierge. At saka mas masaya ako rito. Alam mo na, minsan moody si sir. Nakakatakot,” wika ni Mari kaya tumango na lang si Patricia. “Kung sabagay, kahit ako ma-pi-pressure rin.” Agad na pinirmahan ni Mari ang termination letter at binigay ito kay Patricia. Pagkatanggap ng manager ay diretsong dinala ito sa opisina ni Clarence. Maya-maya pa ay dumating si Clarence sa hotel kasama si Mike. Agad siyang binati ng mga staff. “Good morning, Sir Clarence.” Ngumiti si Clarence at saka sumagot. “Good morning din.” Nang malapit nang dumaan si Clarence sa reception ay agad nang naghanda sina Mari para batiin ang boss nila. “Good morning, Sir,” pagbati nila. Imbis na sumagot si Clarence ay diretso lang ‘to sa paglakad na tila bang hindi narinig ang sinabi nila. “Hala! Hindi tayo binati ni Sir Clarence?” gulat na mahinang wika ni Lina. “Shh. Baka marinig ka,” pagsuway ni Olivia. Ngumuso lang si Lina dahil first time mangyari ‘yon sa kanila. Iniisip na lang niya na baka bad mood ito ngayon. Samantalang si Mari ay tahimik lang na bumalik sa pwesto. Lumapit si Lina kay Mari. “Mari, nag-away ba kayo ni Sir? O baka naman may nabasag ka ulit na bagay na mahalaga sa kanya?” sunod-sunod na tanong ni Lina. Nang marinig ‘yon ni Olivia ay lumapit siya rito. “Totoo bang nag-away kayo?” curious na tanong nito. Marahang tumawa si Mari saka siya umiling. “Hindi, ah! Ano ba naman kayo? Kami mag-aaway? Imposible naman ‘yon na awayin ko siya. At saka hindi na ako cleaner ni Sir.” Nanlaki ang mata ng dalawa. “What? E no’ng nakaraang araw gustong-gusto ni Sir Clarence na ikaw ang maging cleaner niya,” wika ni Lina. “I turned down his offer. Hindi ko pala kayang pagsabayin work ko sa pagiging cleaner ng opisina niya. Saka mas masaya ako na nandito ako kasama kayo kaysa naman makabasag ulit ako ng vase,” pabirong tugon ni Mari kaya nagtawanan ang dalawa. “May point ka rin. Nakakatakot din kasi minsan si Sir Clarence, lalo na ngayon.” Matatapos na ang shift ni Mari nang biglang inutusan siya ni Patricia na ibigay ang isang mahalagang dokumento kay Clarence. “P-Po? Ako maghahatid nito? Pwede bang ibang staff na lang?” reklamo ni Mari. “Sa’yo lang ako may tiwala, Mari, kaya please ikaw na lang. May meeting pa kasi kami,” pakiusap ni Patricia. “O, sige na. Alis na ako. Ikaw na bahala, ah?” dagdag na sabi nito saka umalis. “Ma’am naman!” reklamo ni Mari saka napakamot ng ulo. Matapos na hindi sila binati ni Clarence kaninang umaga ay tila bang ayaw na niyang makaharap ito. Tapos ngayon, babalik siya sa opisina at makikita na naman niya ito? May kung anong kabang naramdaman si Mari habang naglalakad siya sa hallway. Palinga-linga siya sa paligid niya at umaasang makikita niya si Mike bago siya dalhin ng mga paa niya sa opisina ni Clarence. Huminga siya nang malalim nang mabigo niyang makita ang secretary nito. Huminto ng paglakad si Mari at humarap sa pinto ng opisina ni Clarence. Kumatok muna siya ng pinto saka siya nagsalita, “Tao po? Sir, may documents ka po rito galing kay Ma’am Patricia.” Nag-antay ng ilang segundo si Mari ngunit wala siyang narinig na sagot. Binuksan niya na lang ang pinto saka pumasok. Nakahinga na siya nang maluwag nang matantuang walang tao sa loob. Dagli siyang dumiretso sa mesa ni Clarence saka inilatag ang mga dala niyang documents dito. Napahinto si Mari nang makita niya ang flower vase sa mesa na binuo niya noon. Ngayon niya lang kasi niya ito nakita simula no’ng naayos niya ito, siguro tinago muna ito ni Clarence bago i-display. Napangiti siyang idapo ang mga daliri niya sa vase. Ilang sandali ay naputol ang moment niya sa vase nang biglang may pumasok na mga kalalakihan sa loob. Nagtaka si Mari dahil dala-dala ng mga ito ang isang malaking aquarium, at nilagay ito malapit sa visitor’s area. Di kalaunan ay natigilan si Mari nang makita si Clarence na pumasok sa loob habang kausap ang isang lalaking tantya niyang kasamahan ng mga nagdala ng malaking aquarium. “O basta h’wag niyong kakalimutan ‘yung design na gusto ko, ah? Saka ‘yong goldfish ko dapat ingatan niyo,” seryosong wika ni Clarence. Nagsalubong ang mga kilay ni Mari. “Mag-aalaga na rin siya ng goldfish?” tanong niya sa isip. Hindi na pinansin ni Mari ang mga kaganapan sa loob bagkus ay diretso siyang naglakad palabas. Napalingon bigla si Clarence nang mapansin niya si Mari. Hahabulin niya sana ito ngunit nasa gitna siya ng conversation sa lalaking kasama niya. “Sige po, Sir Clarence, kami na po ang bahala sa aquarium niyo,” wika ng lalaki. Tumango si Clarence habang ang tingin niya ay nasa pinto. “Thanks.” Saktong pumasok na sa loob si Mike. Lumapit si Clarence sa secretary niya saka siya nagsalita. “Mike, ikaw na bahala rito,” utos niya. Napataas ng kilay si Mike. “Bakit? Saan po kayo pupunta?” naguguluhang tanong niya. “May importante lang akong gagawin,” ani Clarence at nagmadali itong lumabas ng opisina. Kaagad siyang nagtungo sa front desk at hinanap si Mari. Napansin ni Lina na kanina pa palinga-linga si Clarence sa lobby. Lumapit si Lina rito para kausapin ito. “Sir? Hinahanap niyo po ba si Mari?” tanong ni Lina. Tumango si Clarence habang hinahabol ang hininga niya. “Yeah. Have you seen her?” “Actually po, may kausap siyang lalaki kanina. Mukhang close sila, e.” Bumuga ng hangin si Clarence sa gulat niya pagkatapos ay kumunot ang noo niya. “Sino namang lalaki kasama niya?” “Hindi ko po kilala, e. Basta close po sila.” Aalis na sana si Clarence nang makita niya si Mari na naglalakad pabalik ng reception kasama ang isang gwapong lalaki na kasing tangkad niya lang. He found out na masayang nakikipag-usap si Mari rito, kaya naman kusang napakuyom ng kamay si Clarence sa nasaksihan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD