Chapter 11

1468 Words
KASAMA ni Mari sina Gianni at Epiphania sa mall at katatapos lang nila mag-grocery. Pumasok sila sa loob ng restaurant para mag-lunch. Ilang sandali pa ay biglang nakita ni Mari ang Ate Vina niya na tantya niyang galing ito sa cr. “Ate?” gulat niyang sambit dito. Nanlaki ang mata ni Vina at napangiti itong makita ang kapatid after six years. “Mari!” Excited nilapitan niya si Mari at niyakap ito. Humiwalay ng yakap si Mari habang nakangiti siya. “It’s good to see you, Ate Vina. Kumusta ka? Ba’t nandito ka sa Baguio?” “Actually, nandito kami ni Kate ngayon sa Baguio dahil sa business meeting. At kung gusto mo malaman ang buhay ko ngayon, Mari. Ito sunod-sunuran pa rin sa kanila.” Mari rolled her eyes at bigla na lang siya naging seryoso. Hindi niya alam kung bakit mas pinapaboran ng daddy nilang si Robert si Kate kahit hindi naman talaga itong dugong Harrington. “Balita ko na engaged na si Kate?” Napataas ng kilay si Vina. “Hindi pa, Mari, pero malapit na. Teka. How did you know?” nagtataka niyang tanong. “I actually worked for her soon-to-be husband at Hotel de Sinclair.” “And? Nagkita kayo ni Kate?” Huminga nang malalim si Mari. “Yes. At hindi maganda ang muli naming pagkikita. Masyado siyang palaban, Ate Vina. Alam mo ‘yong sobra-sobra niya akong laitin.” Hinawakan ni Vina ang balikat ni Mari at seryoso niya itong tinitigan. "Mari, Harrington needs you. We need to stop this marriage. Kate can’t be the CEO of the Harrington Group. It's not just because she's not our blood, but it's our family's wealth at stake. We're the originals at impostor lang sila.” Tumango si Mari. “Pero alam mo naman, Ate Vina ang tungkol sa past ko. Alam mo naman ang tradisyon ng Harrington.” “Alam mo, Mari may laban tayo, e. Hindi deserve nina Silvana at Kate ang Harrington. We need to find a way to convince dad.” “Convincing Daddy to change his mind won’t be easy. Makapangyarihan ang Sinclair Group and dad believe it’s for the benefit of Harrington. Kung ilalaban ko ang karapatan ko bilang Harrington, baka matalo ako dahil sa past ko, Ate Vina. Kate is capable of becoming the CEO.” Humugot ng malalim na hininga si Vina. Concern siya sa hinaharap ng kompanya. “Mari, we can’t let the Harrington name be tainted to someone who doesn’t truly belong. Kate might be a capable person, but she’s not one of us. Kailangan natin i-convince si dad.” “I know,” tugon ni Mari at napaisip siya nang malalim dito. “But how do we go about it?” Napaisip saglit si Vina. “We need evidence, Mari. Something that will expose Kate’s true intentions or weakness. If we can’t change Daddy’s mind through words, maybe concrete proof will do the trick.” “Kate’s true intentions or weakness?” tanong ni Mari habang malayo ang iniisip niya. Ilang sandali pa ay napatakip siya ng bibig nang ma-realize niyang kasal pala siya kay Clarence. Ngumisi si Mari at tiningnan si Vina. Pinilig niya ang kanyang ulo. “No need, Ate Vina. Sigurado akong hindi matutuloy ang kasal nila.” Napataas ng kilay si Vina nang nabalot ang isip niya sa kuryusidad. “What do you mean, Mari? Did something happen that I should know about?” Nilapat ni Mari ang bibig niya sa tenga nito. “I’m married to Clarence, Ate Vina.” Napadilat ng mata si Vina. “Married? Kailan pa? How did this happen, Mari?” Pinilig ni Mari ang ulo niya. “I don’t know, Ate Vina. Wala akong maaalala na nagpirma ako ng marriage contract.” Magsasalita pa sana si Vina nang biglang sumingit sa usapan si Gianni. “Mom? Sino po kausap niyo?” Napabuka ng bibig si Vina nang makita niya ang anak ni Mari. Napaturo si Vina dito kaya ngumiti si Mari at tumango. “Gianni, meet you Tita Vina. She’s my sister.” Maligayang kumaway si Gianni kay Vina. “Hello po, Tita Vina. Kumusta po kayo?” Labis na natuwa si Vina na makita ang pamingkin niya after six years. Agad niya itong niyakap at naluha siya rito. “Masaya akong makita ka, Gianni.” Humiwalay siya ng yakap dito sa tiningnan si Mari. “Ang swerte mo, Mari, dahil napakabait ng anak mo.” “Salamat, Ate. Talagang sinikap kong turuan si Gianni ng tamang asal. At saka ayokong maulit sa kanya ang ginawa ni Dad sa atin.” “Anyways, kakain pa lang ba kayo?” “Oo, Ate. Ikaw ba?” “Actually, katatapos lang ng meeting ko sa kliyente namin. Pero ayokong palagpasin ang pagkakataon na ‘to, lalo pa’t ngayon lang muli tayo nagkita, Mari. Treat ko na ang lunch niyo ngayon.” Natuwa si Mari sa sinabi ni Vina. “That sounds great, Ate Vina.” Di kalaunan ay nagpakita naman si Epiphania kay Vina. Nanlaki ang mata ni Vina na makita muli ang lola niya after several years. “Lola!” naluluha niyang sambit dito saka agad niya ‘tong niyakap nang mahigpit. “I’m sorry, La, kung ngayon lang ako nakabisita sa Baguio.” Humiwalay siya ng yakap saka siya nagsalita, “Actually, balak ko sana kayong hanapin pagkatapos ng trabaho ko sa Harrington Group. Pero ngayon ay binigay na sa akin ng Diyos ang pagkakataong ‘to.” “Ayos lang, hija. Ang importante ay nagkita-kita tayo,” ngiting tugon ni Epiphania. “So, let’s eat?” Habang naglalakad sila patungong dining area ay hindi maiwasan ni Mari na mapangiti. Sobrang na-miss niya si Vina. Mahabang panahon man ang nagdaan pero ang samahan nila ay hindi nawawala, mas lalo itong tumitibay. Sa lunch na nila pinag-usapan ang buhay ng magkapatid. Nakikinig lang si Vina habang kinukwento ni Mari kung paano niya pinalaki si Gianni at kung anong ang hanapbuhay niya noon. Bilib na bilib si Vina kay Mari sa pagtataguyod nito kay Gianni. Proud siya kay Mari sa kabila ng lahat ay hindi ito nawala nang pag-asa. Nasa labas na sila ng restaurant pagkatapos nilang kumain. Ngiting humarap si Vina kay Mari. “Mari.” Hinagkan muli ni Vina ang kapatid. “Alam mo, sobrang proud ako sa’yo.” “Ate, naman,” nahihiyang bigkas ni Mari saka siya humiwalay ng yakap. May kung anong bagay na kinuha si Vina sa bag niya saka binigay ito kay Mari. “This is my calling card. Tawagan mo ako, Mari,” lumapit siya rito upang bumulong, “hindi pa tayo tapos sa married status mo kay Clarence,” natatawang sabi niya. Tumango si Mari. “Sure! Kapag maalala ko na, tatawagan kita!” pabiro niyang sabi. “Sige, Mari, La, Gianni, alis na ako. Marami pa kasi akong aasikasuhin. Basta h’wag kayong magdalawang isip na tawagan ako, ah?” Mari watched as Vina walked. She clutched Vina’s calling card in her hand at agad niya itong ipinasok sa bag. “Mom,” Gianni spoke up, “Ang bait po ni Tita Vina. She cares about us.” “Tama ka, Gianni. Mabait talaga ang Tita Vina mo, katulad ng mommy mo, nakuha nila pareho ang ugali ng Lola Sharon mo,” pagsingit ni Epiphania dahil natutuwang makita muli ang apo. Mari smiled down at her son. “Yes, Gianni, she does. We’re lucky to have her on our side. Now, let’s go home.” *** ANG sinag ng araw ay nagliwanag sa opisina ni Clarence habang humihigop ng kanyang kape. Biglang tumunog ang cell phone niya. Nakita niya ang caller name sa screen na si Jacob Ferrer. “Hello, Jacob,” pagbati ni Clarence, expecting an update on his cenomar. “Clarence,” seryosong sabi ni Jacob, “I have some news about the cenomar, pero may kailangan kang malaman.” Nagsalubong ang dalawang kilay ni Clarence. Hindi siya mapakali sa balita ni Jacob. “What’s going on, Jacob? Is there a problem with my cenomar?” Jacob took a deep breath before delivering the unexpected news. “Clarence, I found out that you’re already married.” Natigilan si Clarence nang marinig ‘yon. Humigpit ang pagkahawak niya sa cell phone. “What? But that’s impossible!” Napabuntong-hininga si Jacob. “I double checked the records, Clarence. Kinuha ko pa nga ang marriage certificate mo para malaman kung sino ang napangasawa mo.” “And who’s this woman?” “You won’t believe it, Clarence. It’s Marigold Harrington.” Napatindig si Clarence sa gulat. “What?! M-Marigold Harrington is my wife?!” Sa pagkakataong ‘yon ay biglang pumasok si Mari para muling maglinis ng opisina. Tulalang napatingin lang si Clarence kay Mari habang hawak niya ang cell phone. This can’t be. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD