SIX YEARS AGO
Clarence sat alone at the bar while nursing his drink. Panay tingin niya sa cell phone kung may reply na ba si Jacob. Magkikita sana sila dahil may ibibigay siyang importanteng dokumento dito. Ilang sandali pa ay tumawag sa kanya si Jacob kaya napatindig siya.
“Why is it taking so long, Jacob?”
[I’m sorry, Clarence, pero hindi ako matutuloy ngayon d’yan. Na-admit kasi ngayon si mommy at kailangan niya ako. Siguro bukas na lang.]
Huminga nang malalim si Clarence. “Ipapadala ko na lang ‘to sa law firm mo.”
[Pasensya ka na, Clarence. Hindi ko pa kasi ma-no-notaryo ‘yang marriage certificate ng ate mo. Ibibigay ko na lang kaagad ‘yan kay Atty.Salino.]
Bagong pasa lang kasi si Jacob sa bar exam at matagal pa dumating ang Certificate of Authority for a Notarial Act niya.
“It’s okay, dude, no worries. Regards ako kay tita, ah? Sabihan mo na magpagaling siya.”
[Sure. Thanks bro!]
He was about to leave the place when he saw a stunning woman in a red backless dress approaching him. Her fair complexion and beauty were impossible to ignore. Ngumisi ang babae sa kanya.
“So, I don’t usually do this, but you seemed interesting. What’s your name?” tanong ng babae.
Sumagot naman si Clarence with a charming smile. “I don’t give my name to a stranger, but you can call me ‘baby’ instead.”
Marahang tumawa ang babae. “Bakit naman? Ang weird mo.”
Umupo ang babae sa bar table at nag-order ng vodka. Imbis na ilagay nito sa shot glass ay nilagok nito ang bote. Nanlaki na lang ang mata ni Clarence sa nakita niya.
Nakaramdam naman ng init sa katawan ang babae at pinaypay ng sariling kamay nito. “Ang init. Naka-aircon naman.” Palinga-linga siya sa paligid.
Umupo si Clarence at naglagay siya ng alak sa shot glass saka ininom ito. Nilapag niya ang baso sa table. Ngumisi siya sa babae at bumulong siya rito. “Yeah, too hot, that you can’t handle, right?”
Napalingon ang dalaga at nagtama ang mata nila sa isa’t isa. Ngumiti muli ang babae.
“Well, hotness is in my eyes, I guess? Kaya mainit.” Tinitigan ng babae ito habang ininom ang shot ng vodka.
“Oh really? I get even hotter when I’m in bed. How about that?”
“Is that so? Well, maybe we should test that someday?
Napangiwi si Clarence. “Bakit hindi na lang ngayon?”
Malakas na tawa ang narinig ng binata nang sabihin niya ‘yon. “No way!” Her rejection was clear. Tila bang tinamaan na ng alcohol ang babae.
Napatingin na lang si Clarence sa paligid niya at para bang naging katatawa ang rejection ng babae sa kanya. Pinagtitinginan lang naman siya ng mga tao.
Ilang sandali pa ay nagsalita muli ang babae. “Ano ‘yang hawak mo?” kuryos niyang tanong dito. Hindi pa nagsalita si Clarence ay hinablot na niya ‘yon.
Marahang natawa ang babae nang makita niya ang laman ng envelope. It was a marriage certificate of Clarence’s sister. Maya-maya pa ay tumulo ang luha niya saka niya pinahid ‘yon.
“Alam mo bang ikakasal na ako dapat bukas? Pero lintik na manlolokong ‘yon, he cheated on me with my own best friend! Akala ko sa movie lang may gano’n. . .”
Tumingin ang babae kay Clarence, bakas sa mata nitong gusto muling pumatak ang mga luha.
“. . .nangyayari din pala ito sa totoong buhay?” dagdag pa ng babae saka siya tumawa.
"Kailangan mo lang ilabas ang sama ng loob mo rito, Miss. Tamang-tama na nandito ka sa bar," ani Clarence.
Malungkot na tumango si Mari, pinahid niya kaagad ang luha niya nang muli itong tumulo. She took a deep breath and tried to compose herself. Na-appreciate niya ang sinabi nito.
“Thanks,” she said. “Hindi ko in-expect na magsalita sa isang stranger na katulad mo ngayon. Nakakahiya ang pinagdadaanan ko.”
Clarence offered a comforting smile. “Sometimes it’s easier to talk to someone you don’t know. No judgments, no history.”
“You’re right. Kailangan ko talaga ng makakausap ngayon. Tomorrow was supposed to be the happiest day of my life, but now. . . well, you know that story.”
Tumango si Clarence. “I can’t imagine what you’re going through, but I’m here to listen.”
Kumuha ng shot glass si Mari, nilagyan niya ng vodka ito saka binigay kay Clarence.
"Samahan mo ako ngayong gabi," aniya nang ibigay ito kay Clarence. Ngumiti si Clarence, kinuha ang shot glass at ininum ito.
Lumipas ang halos isang oras nilang usapan ay tinamaan na rin si Clarence. Napansin ni Mari na may extrang marriage certificate sa loob ng envelope. Ngumisi siya at tiningnan niya si Clarence.
"I have a good idea! What if we get married today? Katuwaan lang?" Pinakita ni Mari ang blank marriage certificate.
Napabuga na lang ng hangin si Clarence. Nagulat na lang siya na may extrang marriage certificate pala sa loob. "Are you crazy?"
"Ano ba naman 'yan! Ang KJ mo!"
Kumunot ang noo ni Clarence. "What's KJ?"
"Killjoy tawag do’n! Katuwaan lang naman, eh."
Nanlaki ang mata ni Clarence nang humiram ang dalaga ng ballpen sa bartender at saka pinirmahan ang marriage contract.
"Here, sign it..." anito. Napatingin si Clarence sa papel at nabasa niya ang pangalan nito. Her name is Marigold Harrington.
Hindi pumayag si Clarence pero no'ng nilagay ni Mari ang papel sa harap nito ay napangiti siya.
"Katuwaan lang naman, hindi naman totoo. Right?"
"Of course! Bakit naman ako magpapakasal sa lalaking ngayon ko lang nakilala?"
Malakas na tumawa si Clarence saka agad niyang pinirmahan ang marriage certificate.
"Now, we need two witnesses para ma-feel natin ang kasal ngayon," ani Mari kaya binigay niya ang papel sa dalawang bartender .
"Please sign this," ani Mari. The two bartenders were confused. "Po? This is a legal document. Bakit namin pipirmahan?"
Lumungkot ang mukha ni Mari. Naalala na naman niya kasi ang ex niyang si Estefan. Tumindig si Clarence para kunin ang papel at siya na mismo ang magpapirma sa dalawang bartenders.
"Please? Broken kasi siya ngayon sa ex niya. Ikakasal na dapat siya bukas pero niloko siya ng fiance niya. Pakisamahan na lang," pakiusap ni Clarence.
Nagkatinginan na lang ang dalawang bartenders. "S-Sige po." They signed as a witness a marriage certificate. Matapos gawin 'yon ay tuwang-tuwa si Mari.
"Congratulations to us," napatingin si Mari sa marriage contract para basahin ang pangalan ng fake husband niya,“Clarence Sinclair! We are now married!"
Pinasok niya ang signed marriage contract sa brown envelope. "Well, kailangan natin mag-celebrate dahil bagong kasal na tayo."
Biglang tumunog ng malakas ang beat ng music sa bar. Saktong nasisigawan na ang mga tao sa loob at nagsasayawan.
"Let's dance?" excited na sabi ni Mari.
The colorful lights flashed, casting playful shadows on the lively atmosphere of the bar. Hinila ni Mari si Clarence papuntang sa gitna ng dance floor. Hindi napigilan ni Clarence na mapangiti siya sa sandaling ‘yon. Masiglang enerhiya naman ang bumalot kay Mari, mas gugustuhin na lang nito ang isayaw na lang ang problema niya kaysa ma-depress siya.
As they danced, Mari’s red dress swirled around Clarence, creating a mesmerizing effect. Hindi maiwasan mapasulyap ang mga tao rito para panuorin sila, tila bang nabighani sila sa koneksyon ng dalawa.
Mari looked up Clarence with a twinkle in her eye.
“Isn’t it fun?” she shouted over the music.
Napangiti at tumango si Clarence. “Surprisingly, yes!”
"Who would have thought we'd be celebrating our 'marriage' like this?" she exclaimed.
Marahang tumawa si Clarence. “Definitely not me,” pabirong sabi niya.
Pinasadahan niya ng tingin si Mari mula sa paa paakyat hanggang sa mukha nito. Bagay kay Mari ang backless red dress. Na-realize niyang she got a beautiful body.
"You know what?" he said with a gentle and intimate tone. "Hindi ko maisip na iniwan ka ng ex mo. Look. You're really beautiful."
Tila bang huminto sandali ang mundo ni Mari nang tingnan niya sa mga mata si Clarence. It was just the two of them, sharing a connection beyond the laughter and chaos of the bar. Wala silang pakialam sa nangyayari sa paligid nila.
“T-Thank you,” Mari replied in a soft voice. “That was exactly what I needed to hear.”
Naramdaman ni Clarence ang sinseridad ni Mari no’ng sabihin ‘yon. Dahan-dahan niyang inangat ni Clarence kamay niya para hawakan ang pisngi habang nakatitig siya sa mga mata nito.
Tila bang nawala bigla ang ingay sa bar. As he ran his thumb along Mari's cheek, he found himself getting even closer, he leaned towards Mari with a feeling of magnetic pull. Naghalo ang kanilang mga hininga sa isa’t isa at may kung anong init ang naramdaman si Mari sa buo niyang pagkatao nang mangyari ‘yon.
With a gentle move, Clarence closed the gap. Dahan-dahang dumapo ang mga labi niya kay Mari. Naninindig ang balahibo ni Mari nang halikan siya ni Clarence. Gulat na gulat siya sa ginawa nito. Ilang sandali pa ay ginantihan naman niya ng halik si Clarence. Pagkatapos no’n, the two went to a five-star hotel. At do’n na nilabas ng dalawa ang pantasya nila sa isa’t isa.
Natatandaan pa ni Clarence simula no’ng pumasok sila ni Mari sa kwarto ng hotel. Bawat detalye ay naaalala pa niya.
Napalunok na lang si Clarence dahil do’n. Napakaway na lang si Jacob para maagaw niya ang atensyon nito na kanina pa ito nakatingin sa malayo.
“Uy? Clarence! Hey bro!” aniya at saka pinatunog pa niya ang kanyang daliri.
Pinilig ni Clarence ang ulo niya nang bumalik na siya sa huwisyo.
“Are you okay?” tanong ni Jacob.
“Y-Yes, Jacob.” Umayos ng pag-upo si Clarence at hinarap ang kaibigan. “Jacob, no’ng pinadala ko sa’yo ang envelope, binigay mo ba kaagad ‘yon kay Atty. Salino?”
Napangiwi si Jacob saka malungkot siyang tumango. "I'm afraid, yes."
“Damn! That's how our fake marriage became a legal one, Jacob.”
Kinuwento lahat ni Clarence ang nangyari six years ago. At hindi nga talaga makapaniwala ang kaibigan niya dahil sa pagkakamaling ‘yon.