Chapter 16

1249 Words
MAG-IISANG oras nang naghihintay si Kate sa binook niyang restaurant ngunit wala pa ang nobyo niyang si Clarence. Muling lumapit ang waiter para kunin ang order ni Kate. “Ma’am, may I take your order na po?” Kumunot ang noo niya at tiningnan ang waitress. “Hindi ba’t sinabi ko na sa’yo na mag-o-order ako kapag nandito na kasama ko? Don’t you get it?!” inis niyang sabi rito. “O-Okay po, Ma’am, pasensya na po,” nauutal na tugon nito saka umalis. Huminga nang malalim si Kate at saka tinawagan niya muli si Clarence. Pang-limang tawag na niya ito pero di parin ito sumasagot. Ilang sandali pa ay biglang tumawag ang sekretarya ni Clarence. “Hello, Mike? Kasama mo ba si Clarence ngayon?” “Actually po, Ma’am Kate, nagka-emergency meeting kasi si Clarence ngayon. Hindi matutuloy date niyo.” Napatindig sa galit si Kate at tinaas ang boses niya. “What?! Ang sabi niya ay naka-clear ang schedule niya para ngayon. Bakit gano’n, Mike?” galit na tonong tanong niya. “I’m sorry, Ma’am Kate. Sabi po kasi ni Sir Clarence na tawagan po kayo—” Biglang pinatay ni Kate ang tawag saka napasinghap sya ng galit. “Ugh! Nakakainis naman kung kailan nagpa-reserve ako ng restaurant.” Napatingin si Kate sa paligid niya at napansin na pinagtitinginan na siya ng mga tao. Pinadilat niya ang kanyang mata sa mga ito. “What? Ngayon lang kayo nakakita ng babaeng galit? Why don’t you mind your own business? Ghad!” maarte niyang sigaw. Agad niyang kinuha ang bag niya at pabadog na umalis sa restaurant. Pumasok na siya sa kotse at pinaandar ito, she decided na puntahan si Clarence sa kompanya nito. Sa harap ng maraming tao, kabado sina Clarence at Mari dahil sa Remarriage na gagawin nila. Malakas na hiyawan at kilig ang naririnig nila sa paligid. Mukhang hindi sila makakatakas sa sitwasyon nila ngayon. “Come on, Clarence, don’t keep the audience waiting. Give Mari that kiss!” excited na sabi ng emcee. Napalunok muli ang dalawa, pulang-pula na ang mukha nila sa kahihiyan. Bakit ba kasi umabot pa sa ganito? Kung alam lang nila na may Remarriage Booth pa, e di sana umalis na lang kanina si Clarence at hindi na nagpanggap na ama ni Gianni. “Kiss the bride! Kiss the bride!” sigaw ng mga taong nag-aabang sa halik ni Clarence. Kaya naman mas lalong bumilis ang t***k ng puso ni Mari. Gusto na lang niya tumakbo o mag-walkout, pero paano na lang kung malaman ng mga tao na sa papel lang talaga sila mag-asawa? Iwinaksi ni Mari sa isip niya ang bagay na ‘yon. Kailangan niyang mapaniwala ang mga tao para hindi na masaktan ang anak niya. Huminga siya nang malalim at tiningnan niya si Clarence senyales na handa na siyang halikan dito. Nanlaki naman ang mata ni Clarence sa ginawa ni Mari. “Nagbibiro ba siya?” tanong ni Clarence sa isip. Mahigpit na hinawakan ni Clarence ang mga kamay ni Mari. Iba kasi ang feeling niya ngayon kung ikukumpara ang unang halik niya kay Mari no’n, lasing silang dalawa. Ngayon ay parang may kuryenteng dumadaloy sa katawan niya. Napalunok si Clarence at mainam niyang tinitigan si Mari. Napapikit na lang si Mari, hinahanda ang sarili na dumapo ang mga labi nito. Unti-unti nang lumapit si Clarence dito, naghalo na ang hininga nila sa isa’t isa. Ilang sandali pa ay biglang natigilan si Mari nang maalala niya ang amoy ng pabango ng isang lalaki six years ago. Napadilat siya nang mata at nanlaki ito nang makita niya ang mukha ni Clarence. Is he going to kiss me? Ngayon? Inilapat ni Clarence ang bibig niya sa tenga ni Mari. “Brace yourself,” wika ni Clarence with a warning tone. Mas lalong lumakas ang hiyawan nang dinapo na ni Clarence ang mga labi niya kay Mari. Nagsitindig ang balahibo ni Mari at wala siyang ibang naririnig kundi ang lakas ng t***k ng puso niya. Ngayon lang muli siya nakatikim ng halik after six years. Pero bakit gano’n? Bakit ramdam niyang may paka-similarity ang amoy ni Clarence sa lalaking nakasama niya sa bar? Kuhang-kuha ang moment ngayon, ang pagkakaibahan lang ay klaro niyang nakikita ang mukha ng lalaki. Pagkatapos ng event ay lumapit si Clarence kay Mari. “I. . .I’m sorry, Mari, hindi ko intensyon gawin ‘yon. I had no choice,” nahihiyang sambit niya rito. “N-Naku ayos lang po, Sir Clarence!” nauutal na sabi ni Mari habang nilalayo niya ang tingin dito. “Ako nga dapat ang mag-sorry kasi napilitan ka tuloy na magpanggap bilang ama ni Gianni,” dagdag pa niya. “No! You don’t have to say sorry, Mari. I mean. . . ako naman talaga ang nag-insist. Ayoko lang kasi na makitang nasasaktan ang anak natin.” Natigilan si Mari at tiningnan niya ng diretsahan si Clarence. “Anak natin?” Nang ma-realize ni Clarence na nagkamali siya ay agad naman siya gumawa ng paraan para hindi siya mapaghalataan ni Mari. Wala pa naman ebedensya pero malakas ang kutob niya na siya talaga ang tunay na ama ni Gianni. Napansin ni Clarence na pinagtitinginan siya ng mga taong dumadaan sa kanila. Tinaas niya pa lalo ang boses niya. “Oo, anak natin!” Tumaas ang mga kilay ni Mari saka siya tumango. Oo nga pala, hindi pa pala sila nakakalabas ng venue. They need to be cautious with the words they choose. Marahang tumawa si Mari. “Yeah, anak natin, si Gianni,” pilit niyang ngiti rito. “That was amazing, Mom and Dad!” maligayang wika ni Gianni habang hawak-hawak ang slurpee na bigay ng adviser niya. Nahihiyang tumawa si Mari at hinawakan ang kamay ng anak. “Uwi na tayo.” “Uhm, hatid ko na kayo?” wika ni Clarence. Umiling lang si Mari. “H’wag na. May. . .May pupuntahan pa kasi kami ni Gianni. Hindi ba anak?” pagsisinungaling ni Mari rito. “Saan naman po tayo pupunta, Mommy? Ahhh. Do’n sa night market ni lola?” tanong ni Gianni saka humigop muli ng slurpee. “Oo! Tama! Sa night market.” Binaling ni Mari ang tingin niya kay Clarence. “Kailangan kong tulungan si Lola Epi ngayon. Alis na kami, ah?” Hinila ni Mari ang kamay ni Gianni. “Wait, Mom! I have to throw this,” ani Gianni habang inangat ang slurpee. “Ako na lang ang magtatapon, Gianni,” presentar ni Clarence kaya binigay ng bata ang slurpee rito. Gagamitin niya kasi ito for DNA sample. Nasa labas na sila ng school at nag-aabang sila ngayon ng taxi. Ilang sandali pa ay dumaan si Kate sa Forbes Academy. Sa dinami-rami ng tao sa labas ay nakuha niya ang imahe ng dalawa. Agad siyang napahinto ng pagmamaneho. Mabuti na lang ay malayo pa ang isa pang kotse sa likod niya kaya agad naman naka-take over ito. “Mari,” gigil niyang sabi habang pinagmamasdan ang dalawa hanggang sa pinasakay ni Clarence ang mag-ina sa taxi. She is clenching her hands in envy habang nasa manibela ang mga ito. Hindi niya maiwasan mapatanong kung bakit magkasama ito ngayon? Clarence has an emergency meeting, bakit kasama niya si Mari? Kumulo ang galit ni Kate sa dalawa. Parang gusto na lang niya balatan ng buhay ang babaeng ‘yon nang maisip niyang inaakit nito ang magiging future husband niya. Imbis na dumiretso siya sa kompanya ni Clarence ay nag-decide na lang si Kate na umuwi na lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD