PINAKILALA ni Mari kina Clarence at Mike ang Lola Epiphania niya. Imbis na kamayan ng matanda ang mga ito ay muli siyang nagsalita.
“E hindi ba’t birthday din ng anak mo ngayon? Bakit nandito ka?” tanong muli ni Epiphania.
Napalunok si Clarence at nanginginig ang buo niyang katawan sa kaba. Napatingin na lang siya kay Mike. Bakas sa mukha ni Clarence na kailangan niya ng tulong mula sa secretary niya. Samantala, hindi naman makapaniwala si Mari sa narinig niya mula sa kanyang lola. Totoo nga bang may anak na si Clarence?
Tumikhim si Mike. Sinubukan niyang maging confident sa harap ng matanda para hindi sila pagdudahan. “Uhm, mali po kayo ng narinig. Hindi niya talaga anak ‘yon.”
Kumunot ang noo ni Epiphania dahil klarong nadinig niya ang sinabi ni Clarence kahapon na birthday ng anak nito ngayon.
“E paanong mali? Ang sabi niya sa akin ay anak niya raw?”
Marahang tumawa si Clarence. Katulad ni Mike, he is also trying to act confident. Huminga siya nang malalim at napawi ang kaba niya.
“Tama po ang narinig niyo kahapon. Pero to make it clear, hindi ko po talaga anak ‘yon, anak-anakan ko lang po talaga.”
Tumango si Epiphania ngunit hindi maalis sa isip niya ang sinabi ng binata.
“G-Gano’n ba? Hmm. Sigurado ka bang wala kang anak?”
Muli ay napalunok si Clarence. Kailangan nyang magsinungaling para hindi malaman ni Mari ang totoo. “Yes. Wala po akong anak. At wala pa po akong asawa.”
Biglang sumingit si Mari. “La, may girlfriend na po si Sir Clarence. Siya ang sinasabi kong boyfriend ni Kate, ‘yung stepsister ko.”
Nanlaki ang mata ni Epiphania nang maalala niya ang kwento ng apo niya. Ibinahagi kasi ni Mari ang experience nito sa hotel at nadulas siya nang sabihing nagkita muli sila ni Kate.
Ngumiwi ang matanda at naging seryoso ang mukha nang malaman ‘yon. Hindi sya masayang makita ang nobyo ni Kate. Kung kinamumunghian ni Mari ang stepsister nito, mas lalo na si Epiphania. Isang beses lang siya nakapasok sa mansyon dahil first death anniversary ni Sharon no’n. Hindi naging maganda ang una niyang pagkikita ni Silvana Harrington. Nakita niya ang sama ang ugali ng babaeng ‘yon at mas lalo na ang anak na si Kate Harrington.
“Gano’n ba? Kawawa ka naman, hijo at napunta ka babaeng ‘yon,” inis na sabi ni Epiphania.
Napataas ng kilay si Mari at agad niyang hinawakan ang braso ng lola niya para patahimikin ‘to. “La, kailangan na siguro nating kumain.” Napatingin si Mari kay Clarence. “Alam kong gutom na kayo, kumain na tayo?” dugtong pa niya saka pilit na ngumiti.
Ayaw ni Mari na humaba pa ang usapan at baka kung saan pa ‘yon mapunta at awayin pa si Clarence.
“T-Tama ka nga, Miss Mari, nagugutom na kami ni Sir Clarence.” Binaling ni Mike ang tingin niya sa boss niya. “Hindi ba, Sir?”
“O-Oo naman! Nag-fasting talaga kami ni Mike para dito!” agad na tugon ni Clarence kaya nanlaki ang mata ni Mike. That was an unexpected answer!
Marahang tumawa si Mari. “Fasting talaga, ah?” pabiro niyang sabi kay Clarence.
Dumiretso na sila sa catering area. Pinaghandaan talaga niya ang birthday ni Gianni at nag-hire pa siya ng entertainer. Pagdating nila ay masayang lumapit si Gianni kay Clarence nang makita ‘to.
“Dad!” malakas na pagtawag ni Gianni kay Clarence kaya naman nanlaki ang mata nina Mari at Clarence. Dinig kasi ng mga bisita ang sinabi ng bata.
“Gianni! You’re making it worse,” pabulong na suway ni Mari kay Gianni.
“What? E kahit hindi ko naman siya tunay na daddy ay masaya ako, Mom,” mahinahong sabi ni Gianni.
Lumapit si Clarence saka siya ngumiti rito. “Happy birthday, Gianni,” maligayang pagbati niya rito.
Imbis na sumagot si Gianni ay bigla niya na lang ito niyakap. “Thank you, Dad!”
Nanlaki ang mata ni Clarence sa ginawa ni Gianni. Halos lumundag ang puso niya sa tuwa. Gianni accepted him as his foster dad kahit ang totoo niyan ay tunay naman niyang anak ito. Nginitian niya ang bata.
Humiwalay ng pagyakap si Gianni at humarap kay Clarence. “Thank you for coming to my birthday,” masayang sabi niya rito.
“Of course! Kahit hindi birthday mo, malaya naman akong pumunta rito, right?” wika ni Clarence. Nanlaki naman ang mata ni Mari. Bakit naman nasabi ng boss niya ‘yon?
Maligayang tumango si Gianni. “Oo naman po! Hmm. Mas magiging masaya ako kung. . .” Lumapit si Gianni at nilapat ang bibig niya sa tenga ni Clarence. “. . .kayo na lang ni mommy ang magkatuluyan,” pabulong niyang sabi kaya natawa si Clarence.
“Really?” Napatingin si Clarence kay Mari while smiling. “Sa tingin mo, Gianni, bagay ba kami?” pabirong sabi niya rito na tanging si Gianni lang ang nakakarinig.
“Of course! Just make sure that you will give me a baby brother, okay?”
Halos masamid si Clarence dahil sa gulat. Marahan siyang natawa sa sinabi nito. “Well, we don’t know the future.”
Kumunot ang noo ni Mari at lumapit siya rito. “Tama na ‘yan. Naghihintay na ang mga bisita natin. Kumain na tayo,” wika ni Mari dahil na-bo-bother na siya sa pinag-usapan ng dalawa.
Nasa gilid sina Clarence at Mari habang ang mga bisita ay nakapila sa buffet. Hindi pa kasi talaga gutom si Clarence, nagpanggap lang siya kanina. At mas gugustuhin niyang makasama si Mari ngayon kaysa kumain.
“Salamat sa pagpunta niyo rito, Sir Clarence,” nahihiyang sabi ni Mari rito.
“You’re welcome. Pupunta talaga ako dito dahil birthday ng anak ko—I mean ng anak-anakan ko.”
Natawa si Mari sa sinabi ni Clarence. “Kung malaman ‘to ni Kate, paniguradong hindi na naman niya ako titigilan at baka sugurin pa kami dito sa bahay.”
“Hindi mangyayari ‘yon, Mari. Kate should not meddle with my private life.”
Kumunot ang noo ni Mari. Hindi niya maintindihan ang mga kinikilos at pananalita ni Clarence. Tila bang nakikita niya na hindi ito masaya sa relationship nito sa stepsister niya.
“Okay lang ba talaga na nandito ka to celebrate my son’s birthday? Paano mo nasabi ‘yon na hindi pwedeng mangialam si Kate sa private life mo? Ano ba talaga si Kate sa’yo?” sunod-sunod na tanong ni Mari kaya natawa si Clarence ng marahan.
“My relationship with Kate is more of a business arrangement than anything else.”
Nanlaki ang mata ni Mari. “So, parang arranged marriage ang mangyayari?”
“Yes.”
Biglang naalala ni Mari ang litratong ng mommy nito sa opisina. Gusto sana niyang tanungin ang tungkol do’n. Alam niya kasing naging isyu noon ang pagkamatay ni Rosemary Sinclair, ang hindi lang alam niya alam kung bakit sinisi sa Harrington ang nangyari. Gusto niyang malaman kung talagang naghihiganti lang si Clarence sa pamilya niya sa pagkamatay ng ina nito. O baka naman ang sinabi nito dahil lang sa negosyo.