SAGLIT na napahinto ang mga empleyado ng hotel ang pagdating nina Clarence at Mari habang naglalakad sa lobby. Nalaglag ang panga nina Lina at Olivia nang makita muli ang kaibigan nila, napalitan naman iyon ng kilig na mapansin na hawak ni Clarence ang kamay ni Mari. Naisip nila na baka may magandang nangyari pagkatapos ng dinner nila noon. Pilit na tinatago ni Mari ang ngiti niya nang tapunan siya ng mapang-asar na ngiti ng mga kaibigan niya. Mas lalo tuloy siya kinikilig at kinakabahan. “G-Good morning, Sir Clarence!” maligayang pagbati ni Manager Patricia. “Good morning, Patricia,” tugon na sabi ni Clarence. Napawi ang ngiti ni Patricia nang muli niyang makita si Mari. “M-Mari? A-Anong ginagawa mo rito?” Natigilan siya nang makitang hawak ng boss niya ang kamay ni Mari. “S-Si