HULING araw na ni Bitsy nang bumisita si Mari sa chapel. Mabuti na lang ay nakahabol siya pagkatapos ng limang araw na pagpapahinga niya sa ospital. Umuwi na rin ang mga kaibigan niya sa Baguio. Hindi na niya sinama pa ang mga kaibigan at pamilya niya sa lamay dahil gusto niyang mapag-isa. Pagpasok ni Mari sa loob ay dinig niya hikbi ng pamilya sa pagkawala ng sekretarya niya. Sa bawat paghakbang niya patungo sa kabaong ni Bitsy ay unti-unti niyang nararamdaman ang matinding bigat at panghihinayang. “I’m sorry, Bitsy.” Iyon lamang ang lumabas sa bibig niya at saka tumulo ang kanyang luha. Pagkatapos niyang tingnan ang labi ng sekretarya ay lumapit siya sa ina nito upang makiramay. “I am sorry for your loss, M’am Merideth. Nakikiramay ako,” malungkot niyang sabi sa ina ni Bitsy. Haha