KUMUNOT ang nuo ni RA nang makita niya si Bree na parang wala sa sarili na naglalakad habang palabas ito ng kumpanya ni RK. Bree is walking like a robot. May nakabangga pa ito pero parang wala itong naramdaman at nagpatuloy lang sa paglalakad. Bumaba ng kotse si RA at mabilis na nilapitan ang dalaga nang tatawid ito sa kalsada na kasalukuyang dumadaan ang mga sasakyan. Hinila niya ang braso nito. "What are you doing?!" Hindi napigilan ni RA ang pagtaas ng kaniyang boses. Mukhang natauhan naman si Bree at napatingin kay RA. "Lex?" "What are you doing? Do you want to die?" Kumunot ang nuo ni Bree saka napatingin sa harapan. Nakita niyang nasa harapan niya ang kalsada. "Ano bang nangyayari sa 'yo? Parang wala ka sa sarili mo." Sabi ni RA. Bree sighed. Umiling siya. "May iniisip lang ak