KABANATA 33

1703 Words

Naka-second stanza na si Honey pero hindi pa rin ito tumitigil sa pagkanta kahit na napaka-panget naman ng boses. Ang sakit talaga sa tenga. Tawang-tawa pa rin ang mga tao, siya naman ay hindi na nakatiis, balak ng puntahan ito sa stage dahil pati na mga myembro ng banda ay hindi na maipinta ang mukha. Sumenyas na rin ang lead vocalist na tsugi na daw, parang pinapatigil na si Honey inuutusan ang kasamahan. Kaya naman minabuti niyang ibigay ang hawak-hawak na drinks sa katabi at dali-dali siyang umakyat para patigilin na ito. Nakakahiya na kasi sa banda, binalahura ba naman ng pasaway. Kahit sino ay maiinis talaga dito. Pero enjoy na enjoy naman ang mga tao, akala mo eh sikat na sikat na singer iyong kumakanta dahil hindi na magkamayaw ang mga ito sa pagsigaw at pagtawa. Iyon nga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD