“Pagpasensyahan mo na lang si Honey Sharmaine, nabigla lang din talaga siya na makitang nandito ka sa aking bahay. Alam mo naman na unang beses lamang din niyang nakarating dito at hindi niya alam kung ano ang relasyon nating dalawa. Ayoko na rin naman na paulit-ulit pang alalahanin ang nakaraan para lamang tumigil siya sa pag-iisip sa ating dalawa. Alam mo naman kung gaano kasakit ang nangyari sa amin ng kuya mo hindi ba?” Mahabang pahayag niya kay Sharmaine. Alam niyang nasasaktan ito pero nakuha pang ipagtanggol si Honey kahit pa kitang-kita naman niya kung ano ang ginawa ng kanyang asawa kay Sharmaine. Ang nakakainis lang may gano'n palang ugali ang kanyang asawa hindi niya akalain na kaya nitong manakit ng dahil lamang sa selos o kung ano mang dahilan. Akala pa naman niya ay mab

