llang na ilang si Honey sa mga titig ng mga kalalakihang nadaraanan nila. Karamihan naman doon ay tila ba humahanga sa kanya. Pero syempre hindi siya sanay na tingnan ng gano'n na tila ba hinuhubaran na siya. Tsaka hindi naman siya gano'n ka-sexy pero ewan ba niya at ang mga mata ng mga kalalakihan ay nakatuon sa kanya. Pero ang kinakainis naman niya, ang mga mata naman ng mga kababaihan na nakatuon sa kanila ay napapako sa matipunong dibdib ni Apollo. “Hey dear, ang pogi mo naman!” narinig pa niyang wika ng isang babae. Todong ngiti naman ang magaling niyang asawa kaya sinamaan niya ito ng tingin dahil tila tuwang-tuwa pa na pinagkakaguluhan nito ng mga kababaihan. Kay galing kasi ng pasaway pagkatapos iyan itong angkinin hindi lang isang beses kundi dalawang beses kanina sa cott

