“Tama na! Tama na! H-Hindi ako ‘yan! G-Gawa-gawa lang yan ng babaeng iyon! Kuya maniwala ka naman sa akin, paniwalaan mo ako dahil kilala mo naman ako hindi ba? U-Umpisa pa lang naman, alam mo na hindi ko magagawa ang bagay na iyan, gawa-gawa lang yan ni Honey. Baka nga edited lang lahat ng video na yan eh, ahh t-tama baka magaling siyang mag-edit ng mga video. Tapos ipinasa niya lahat yan sayo! Please kuya maawa ka naman sa akin, alam mo naman sayo lang ako umaasa hindi ba? Ikaw lang ang nag-iisang tao tagapagtanggol ko, k-kaya dapat ako ang kinakampihan mo at hindi ang Honey na iyon!” Patuloy pa rin ito sa pagtanggi. Kahit na pinapanood na niya dito ang mga napanood niyang cctv footage na kuha sa restaurant pati na sa cctv nila sa bahay. “Nasisiraan ka na ba ng ulo talaga ha Sharma

