“Nasaan na si Honey? Akala ko ba sabi mo kanina pa siya kumain? Pasaway na iyon, hindi man lang nagawang hintayin ako,” naiiling na tanong ni Apollo kay Sharmaine. Kanina kasi inaaya na siya ng pagkain ni Sharmaine pero tumanggi siya dahil akala niya hindi pa kumakain si Honey. Pero sabi ni Sharmaine ay nakita nito kanina pa na kumakain ang kanyang asawa. Basta talaga sa pagkain si Honey nakakalimutan siya palagi. Kaya naman ang ginawa niya ay kumain na lamang din kasabay niya si Sharmaine at ayon katulad ng palagi itong nagkakagawian. Kapag sabay silang kumain sinusubuan pa siya ng pasaway, napaka sweet talaga kahit kailan ni Sharmaine sa kanya kaya naman sobrang giliw na giliw siya sa babae. Palagi na lang siya ang inuuna nito, mukhang nakikita nito sa kanya ang namayapang nit

