“Tangina! Ano bang klaseng babae itong si Honeylet! Naka-kadiri talaga!” Galit na palatak niya sa sarili. Nagawa ba naman na dumumi sa mismong harapan niya kahit na alam naman nito na sobrang baho niyon lalo pa at mukhang pinagsasaktan ito ng tiyan. Hindi niya alam kung papaano nito nagagawa ang ganun kalakas loob na gawain iyong mga kabaliwang ganon. Araw-araw siguro disaster ang buhay nilang dalawa bilang mag-asawa. Pero nakakatuwa naman dahil kakaiba ang ugali ng babae. Sure siya na roller coaster ang magiging buhay niya kasama ito. Nasa may labas siya ng pinto ng cr, hindi pala niya nakuha ang kanyang damit sa loob ng cr. Kaya minabuti niyang hintayin na lang ang babae sa labas ng pinto. Pero halos 15 minutes na siya doon di pa rin lumalabas ang babae kaya nangangaligkig na