Halos hindi makapaniwala si Apollo sa naranasang iyon na ginawa ni Honeylet. Hindi niya maintindihan kung matino ba ang pag-iisip ng babae o talagang dinadaan lamang nito sa kakulitan pero may kal*bugan din pala itong tinatago. Pumasok siya kanina sa silid nito para sana kausapin lang ang babae pero hindi kasi niya mapigilan ang init ng katawan simula pa kanina ng mga silayan niya ito sa kotse. Hindi niya alam kung bakit kahit wala naman itong ginagawa ay napakalakas ng dating nito sa kanya at hindi talaga niya iyon mapaglabanan. Wala sa usapan na sa iisang silid lamang sila tutuloy, kaya naman bali dalawa ang silid na nai-book niya. Ang isa ay ang kanyang lolo ang nagbook para sa honeymoon suit at ang isa ay siya mismo ang mananatili doon sa loob ng isang linggong pamamalagi nila sa