Patuloy lamang sa pagsi-swimming si Apollo at si Honey. Noong una ayaw pa sana ni Apollo na hayaan siyang lumangoy sa medyo may kalaliman dahil ang tingin yata sa kanya ay hindi siya marunong lumangoy. Samantalang hindi yata nito alam na isa siya sa mga inilalaban ng kanilang school sa swimming. Kaya naman pinakitaan niyang ito, nagtungo siya sa pinakamalalim na bahagi ng dagat at doon pinakita niya ang mga tricks na alam niya sa swimming. Nakamasid lamang naman sa kanya ang lalaki at tila may paghanga din sa mga mata nito ng lumapit siya. Pero syempre medyo kilig din dahil kahit pala papaano ay nag-aalala ito sa kanya. “Babe kahit na magaling kang swimmer, mag-iingat ka pa rin dahil ang disgrasya kasi ay hindi natin alam kung kailan mangyayari. Kaya naman sana sa susunod ay mag

