Dali-daling bumaba ng kotse si Apollo, hinahanap niya ang silid kung nasaan si Honey. Natitiyak niya na nandito sa ospital na ito ang kanyang asawa dahil namataan niya ang kotse ng kanyang uncle sa garahe ng ospital. Laking pasasalamat na lamang niya ng mapagtantong nandoon ang kanyang uncle Owen, siguradong hindi nito pababayaan si Honey. Hindi pa man ito nakikita ang kanyang asawa ngunit kilala naman ito ng kanyang uncle dahil sa pinag-uusapan nila ang kanyang asawa dito. At saka dati-dati na rin talaga na close silang mag rito. Palagi niyang ikinikwento dito ang mga nangyayari sa kanya kaya alam nito ang tungkol sa pagpapakasal niya sa apo ng kaibigan ng kanyang lolo. Matagal-tagal na rin na hindi ito nadalaw sa kanila, hindi rin kasi nito gusto si Sharmaine katulad ni Honey. Na i

