Napabalikwas ng bangon si Apollo ng tila maynasusunog na bagay ang napadiit sa kanyang dibdib. Napansin niya na umuungol ng bahagya si Honey, tagktak din ang pawis nito na ipnagtataka naman niya dahil malamig naman sa loob ng kanilang suit. Napakalakas ng aircon at talaga kahit siya ay nilalamig din dahil nakahubad pa siya. Tumingin siya sa kanyang relong pambisig, napamulagat siya dahil pasado alas onse na ng umaga. Tinanghali na siya ng gising, siguradong napakaraming ng tawag sa opisina. Kahit kasi nasa honeymoon sila ang sinabi niya sa kanyang assistant ay magta-trabaho pa rin siya sa online nga lang. Ayaw kasi niyang pabayaan ang kompanya nila, hindi tatakbo ng maayos ang kompanya ng wala siya. Napabaling ang kanyang paningin sa natutulog pa ring si Honey, labas ang parte ng p