Nakatulala habang nakatanaw si Apollo sa kawalan, maghapon siyang naghanap kay Honey. Pati na ang lolo niya ay hiningan na rin niya ng tulong. Maging mga magulang ni Honey ay tinawagan na rin niya at tinatanong kung umuwi ang kanyang asawa sa bahay ng lola nito o kung sumama sa mommy nito. Pero wala ring sagot ang mga ito at nagtatanong pa sa kanya kung ano ang nangyari. Ibig sabihin wala rin talagang alam ang mag-asawa kung nasaan ang kanyang mahal na asawa. Ang kanyang Tito Owen namam niya ay tinatawagan pa rin niya pero hindi talaga niya makontak. Kahit sa probinsya sa lugar ng kanilang lola ay tinawagan na rin niya ang mga ito pero ang sabi ay wala din doon ng kanyang Uncle kaya natitiyak niya na magkasama ang dalawa. Mabaliw-baliw na siya sa kakahanap pero wala talaga siyang

