Halos isang oras din silang namili at hindi lang doon sa souvenir shop na yun sila nagtungo dahil bumili din sila sa mga karatig pa. Akala nga niya ay sapat na doon pero mas ninais ni Apollo na bumili din sa ibang shop para nga naman daw makatulong din sila sa iba. Matapos nilang mamili ay nakiusap mo na sila sa mga souvenir shop na iiwan mo na ang kanilang mga pinamili. Pero syempre bayad na iyon dahil balak nila na maglakad-lakad sa dalampasigan dahil katulad ng request niya kakain na lamang sila ng mga ihaw-ihaw. Mabuti na nga lang si Apollo ay hindi naman masyadong maarte pagdating sa mga pagkain. Lumapit sila sa mga food stall na nandoon minabuti nila na tikman na lang lahat para naman lahat may kita. Si Apollo lang talaga ang nais gawin iyon, nakakataba lang ng puso dahil

